Noli Me Tángere Page #9
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Marahil ibiguin n~g m~ga bumabasang maalaman cung ano ang dahil n~g pagbabacang ito, na nagpasimula n~g 2 n~g Octubre n~g 1833 at nagtapós n~g 27 n~g Febrero 1876, at aking sasabihin sa maicling salitâ: Bago pa lamang nacacawalâ ang España sa capangyarihan n~g m~ga francés, ay nagpasimulâ na ang panúcalà n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraileng papanumbalikin doon ang pagtatatag ulî n~g "absolutismo"; sa macatuwid baga'y ang capangyarihan n~g haring magawâ ang bawa't maibigan, at manumbalic ang "tribunal n~g Inquisición." Hindi pumayag si Fernando VII sa gayóng balac, at sa gayó'y kinagalitan siya at minagaling n~g m~ga fraileng sa canyá'y mahalili ang canyáng capatid na si Cárlos María Isidro de Borbón, na nan~gacong cung siya ang maguiguing harì ay gagawin niya bawa't ibiguin n~g Papa at n~g m~ga fraile. Bago namatáy si Fernando ay gumawa itó n~g testamentong isinasalin niya ang canyáng corona sa canyáng anác na babaeng si Isabel. N~g mamatay si Fernando VII n~g 29 Septiembre n~g 1833 ay nahahanda na upang bacahin ang hahaliling reinang si Isabel II, na sa pagca't musmós pa noon, ang namamahalà n~g caharia'y si reina Cristinang nabao cay Fernando VII, at n~g icatlóng araw n~g pagcamatay nitó'y pinasimulaan na n~gâ ang pangguguló sa España ni Cárlos, na tinutulun~gan n~g papa, n~g m~ga fraile, n~g lahat n~g m~ga párì at n~g canilang m~ga cacampi. N~gayóng m~ga panahóng itó'y mahinang mahinà na ang carlismo sa España, at sila sila'y nagsisirâan. May nan~gagpapan~galang "integrista" na siyang nan~gag-iibig n~g "absolutismo" at n~g "inquisición," at "mestizo" ang itinatawag nila sa sumasang ayon sa calagayang dalá n~g panahón at ayaw sa "inquisición" at sa "absolutismo." N~gayo'y macucurò na cung bakit aayaw kilalanin n~g m~ga fraileng hárì nila si Alfonso XII at si Alfonso XIII man; n~guni't ang sawicain n~ga n~g m~ga castilà'y "á la fuerza ahorcan" (sapilitan ang pagbitay). Aayaw man sila'y sapilitang nilálagoc ang apdóng handóg n~g catuwiran at n~g catotohanan.--P.H.P. [73] Sa canyáng calagayan ó sa canyáng sarili. [74] Sa galit ay nabiglaanan. [75] Sa bibíg lamang. [76] Mulâ sa púsò, taimtim sa púsò. [77] Na sa pag-iisip. [78] Sa isáng pagcacataón, hindi sinasadya. [79] Sa pagcacataon at sa ganáng akin. [80] Ang páring catulong n~g cura. N~g panahón n~g Gobierno n~g España, halos ang lahat n~g paring filipino ay pawang coadjutor lamang ang naaabot na catungculan; bihirang bihirà ang naguiguing cura, at ang caraniwa'y m~ga fraile ang naguiguiug cura; caya't ang lahát n~g m~ga cura halos sa sangcapuluang ito'y pawang m~ga fraile. Aliping mistulà ang pagpapalagay n~g m~ga curang fraile sa m~ga coadjutor na filipino. Salamat sa revolucióng guinawa n~g Katipunang tatag ni Gat Andrés Bonifacio'y nahan~gò ang m~ga paring filipino sa gayóng caalipinan; datapuwa't hanggá n~gayò'y walá isá man lamang sa m~ga paring filipinong nacacagunitang magpaunlác cay Gat Andrés Bonifacio. Cahimanawarì sila'y man~gáguising sa panahóng hináharap. ¡Wala n~g carimarimarim na púsong gaya n~g di marunong tumumbás sa utang na loob!!!] [81] Ang sumusulat n~g m~ga inilalathala sa m~ga periódico ó pámahayagan. [82] Ang may almacen ó tindahan. Tinatawag ding almacenero ang catìwala sa pag-iin~gat n~g m~ga camalig na ligpitan n~g anó man, ó ang isáng catungculan sa Gobiernong ganito ang pan~galan.--P.H.P. [83] Caugalìan n~g m~ga taong may pinag-aralang cung pumapanhic silá sa bahay n~g isang hindî cakilala, ang siya'y iharap sa maybahay n~g isáng cakilala nitó at sabihing:--"May capurihan po acóng ipakikilala sa inyó si guinoong Fulano."--P.H.P. [84] Ang monje Bernardo Schwart, alemân, na siyáng nacátuclas n~g pag-gawâ n~g pólvora n~g siglo XIV.--P.H.P. =II.= =CRISOSTOMO IBARRA= Hindî magagandá at mabubuting bíhis na m~ga dalaga upang pansinín n~g lahat, sampô ni Fr. Sibyla; hindî ang cárilagdilagang Capitan General na casama ang canyang m~ga ayudante upang maalís sa pagcatigagal ang teniente at sumalubong n~g ilang hacbáng, at si Fr. Dámaso'y maguíng tila nawal-an n~g díwà: sila'y walâ cung dî ang "original" n~g larawang naca frac, na tan~gan sa camáy ang isáng binatang luksâ ang boong pananamit. --¡Magandang gabí pô, m~ga guinoo! ¡Magandang gabí pô "among"[85]!--ang unang sinabi ni Capitang Tiago, at canyáng hinagcan ang m~ga camáy n~g m~ga sacerdote, na pawang nacalimot n~g pagbebendicion. Inalís n~g dominico ang canyang salamín sa mata upang mapagmasdan ang bagong datíng na binatà at namumutlâ si Fr. Dámaso at nangdídidilat ang m~ga matá. --¡May capurihan acóng ipakilala pô sa inyó si Don Crisòstomo Ibarra, na anác n~g nasirà cong caibigan!--ang ipinagpatuloy ni Capitang Tiago.--Bagong galing sa Europa ang guinoong ito, at siya'y aking sinalubong. Umalin~gawn~gaw ang pagtatacá n~g márin~gig ang pan~galang ito; nalimutan n~g tenienteng bumatì sa may bahay, lumapit siya sa binatà at pinagmasdan niya ito, mulâ sa paa hanggang ulo. Ito'y nakikipagbatian n~g m~ga ugaling salitâ n~g sandalíng iyon sa boong pulutóng; tila mandin sa canya'y walang bagay na naíiba sa guitnâ n~g salas na iyon, liban na lamang sa canyang pananamít na itím. Ang canyang taas na higuít sa caraniwan, ang canyang pagmumukhâ, ang canyang m~ga kílos ay pawang naghahalimuyac niyang cabataang mainam na pinagsabay inaralan ang catawa't cálolowa. Nababasa sa canyang mukháng bucás at masayá ang cauntíng bacás n~g dugong castilà na naaaninag sa isang magandáng culay caymanggui, na mapulapulá sa m~ga pisn~gi, marahil sa pagcápatira niya sa m~ga bayang malalamíg. --¡Abá!--ang biglang sinabi sa magalác na pagtatacá--¡ang cura n~g aking bayan! ¡Si parì Dámaso: ang matalic na caibigan n~g aking amá! Nan~gagtin~ginang lahat sa franciscano: ito'y hindi cumilos. --¡Acó po'y pagpaumanhinan ninyó, aco'y nagcámali!--ang idinugtong ni Ibarra, na ga nahihiyâ na. --¡Hindî ca nagcámali!--ang sa cawacasa'y naisagot ni Fr. Dámaso, na sirâ ang voces.--N~guni't cailan ma'y hindî co naguíng caibigang matalic ang iyong amá. Untiunting iniurong ni Ibarra ang canyang camáy na iniacmáng humawac sa camáy ni parì Dámaso, at tiningnan niya itó n~g boong pangguiguilalas; lumin~gón at ang nakita niya'y ang mabalasic na anyô n~g teniente, na nagpapatuloy n~g pagmamasíd sa canya. --Bagongtao, ¿cayó po bâ ang anác ni Don Rafael Ibarra? Yumucód ang binatà. Ga tumindíg na sa canyang sillón si Fr. Dámaso at tinitigan ang teniente. --¡Cahimanawarî dumatíng cayong malualhatì dito sa inyong lupaín, at magtamó nawâ pô cayó n~g lalong magandang palad cay sa inyong ama!--ang sabi n~g militar na nan~gin~ginig ang voces. Siya'y aking nakilala at nácapanayam, at masasabi cong siya'y isa sa m~ga taong lalong carapatdapat at lalong may malinis na capurihán sa Filipinas.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 23 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In