Noli Me Tángere book cover

Noli Me Tángere Page #8

Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.


Year:
1887
553 Views

Submitted by acronimous on February 27, 2020


								
[59] Ang "loto" ay isáng cahoy sa Africa. Anang m~ga poeta, ang taga ibang lupaíng macacain daw n~g bun~ga n~g "loto" ay nacalilimot sa canyang kinamulatang bayan. [60] Sa macatuwid baga'y sucat na ang magcaroon n~g caunting pag-iisip. [61] Caugalian sa m~ga castilang hindî "usted" (cayó pô) na guinagamit sa caraniwan, cung dî "Vuestra Reverencia" ó "Vuesarevencia" (sa cagalanggalang pô ninyo) ang siyang ibinibigay na galang sa m~ga fraile sa pakikipag-usap sa canila. [62] Ipinan~gun~gusap n~g "ereje," sa pagca't sa wicang castila'y hindi isinasama ang h sa pagbasa. Tinatawag na "hereje" ang cristianong sumásalansang ó hindi sumasampalataya sa m~ga pinasasampalatayanan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana.--P.H.P. [63] Ang kinácatawan n~g Dios. [64] Maliit na general; sa macatuwíd baga'y waláng halagang general. [65] Maliit na general Capansanan. [66] "Su excelencia" sa wicang castila, paunlác na tawag sa Capitan General at sa iba pa n~g m~ga castila.--P.H.P. [67] Pan~galawa n~g Real Patrono. Tinatawag na Real Patrono n~g Iglesia Católica Romana ang Harî sa España. Haring tagatangkilic ang cahulugan sa wicang tagalog--P.H.P. [68] Hindî acó nasísilong cahi't siya'y pan~galawá man n~g harì--ang ibig sabihin ni Pári Dámaso.--P.H.P. [69] Mulà sa taóng 1717 hangang 1719 ay naguíng Gobernador General sa Filipinas si Don Fernando Bustamante. Sa pagca't canyáng napagunáwà ang malaking m~ga pagnanacaw sa pamamanihalà n~g salapî n~g Harì, minagálíng niya ang magtatag n~g m~ga bágong utos sa pamamahalâ n~g salapî n~g calahatán. Pinasimulán niyáng kinulóng sa bilangguan ang m~ga taong pinaghihinalàan; sila'y canyáng pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal. Galít na galít cay Bustamante ang m~ga may matataas na catungculang sa ganito'y nan~gagsipan~ganib na mapahamac, at sa gayóng cahigpita'y hindî nan~gabihasa cailán man. Sa pagcá't nabalitàan ni Bustamante ang panucalang manghimagsic laban sa canyáng capangyariha't pamamahálà, at tinatangkílic n~g m~ga fraile sa caniláng m~ga simbahan ang lalong m~ga kilaláng mahihigpít niyáng m~ga caaway, naglathalà siyá n~g pagtawag sa lahát n~g m~ga lalaking may mahiguít na labíng apat na taón upang man~gagsipanig sa hucbòng magsasanggaláng sa capangyarihan n~g Harì. Dinin~gíg n~g bayan ang pag tawag na iyón, at nátatag ang isang hucbó n~g m~ga cusang pumasoc sa pagsusundalo. Nan~gagsifirma ang Arzobispo at iláng m~ga abogado sa isáng casulatang doo'y itinututol na waláng capangyarihan at waláng catowiran daw si Bustamante na ipag-utos ang pagpapabilangô sa notariong si Osejo, na tumacbò at nagtagò sa simbahang Catedral: dahil dito'y ipinag-utos n~g Gobernador General na dacpín at ibilanggô ang arzobispo at gayon din ang m~ga abogadong cainalám sa gayong panucalang catacsilan.--Pinanggalin~gan ang m~ga pagpapabilanggong itó n~g iba't ibang m~ga caguluhan, at sa tacot n~g m~ga fraileng bacâ síla namán ang pag-usiguin, minagalíng nilá ang silá ang mamatnugot sa m~ga lumálabag sa capangyarihan n~g Gobernador.--Lumabás sa m~ga simbahan ang m~ga nagtatagò roon, nagdalá n~g m~ga sandata, at n~g macasanib na sa canilá ang iláng m~ga tagarito, lumacad silá't ang tinun~go'y ang palacio n~g Gobernador, na n~g panahóng iyó'y na sa taguilirang ilaya n~g tinatawag n~gayóng Plaza ni William McKinley. Nan~gun~guna sa paglacad ang m~ga fraile na may m~ga hawac na Santo Cristo sa caniláng m~ga camáy. Nang maalaman ni Bustamante ang gayóng panghihimagsic, ipinag-utos sa canyáng m~ga guardiang barilín ang m~ga nanghihimagsic na iyón; datapuwa't hindî sumunód sa canyáng utos ang m~ga sundalo, at n~g dumating ang m~ga nanghihimagsic sa tapát n~g palacio, isinucô nilá ang caniláng m~ga sandata sa haráp n~g pagca damít sacerdote n~g m~ga fraileng nán~gagtaás ang m~ga camay na may hawac na m~ga Santo Cristo at m~ga larawan n~g Santo. Pinabayaan din n~g m~ga sundalong alabardero na silá'y macapasoc. Lumabás ang cahabaghabag na si Bustamanteng may sandatang hawac, at sinalubong sa hagdanan ang m~ga nanghihimagsic. Hinandulong siyá n~g m~ga nanghihimagsic at sa sandali lamang ay may sugat na siyáng malubha. Dumaló sa canyá ang canyang anác na lalaki, at itó nama'y agád binaril at nasugatan n~g bála. Kinaladcad n~g m~ga nanghihimagsic ang canilang Gobernador na naghihin~galó hanggang sa isáng bilangguang na sa silong n~g Audiencia, at doon siya namatáy n~g magtatakip silim n~g hapon n~g araw ring iyong ica 11 n~g Octubre n~g 1719; ipinagcaít sa canyá ang lahát n~g saclolo at hindi siyá binigyán n~g isá mang lamang vasong tubig. Kinaladcád namán ang anác n~g Gobernador General sa talian n~g m~ga cabayo sa palacio, at doon siya namatáy n~g hapon ding iyón, at ipinagcáit sa canyáng macaguibíc ang sino man manggagamot at itinangguí sa canyá ang lahat n~g bagay na saclolo. Ang m~ga nanghimagsic na pinamunuan n~g m~ga fraileng pumupuri at nagpapaunlac sa m~ga pumatáy sa Gobernador at sa canyáng anác ay nan~gagsitun~go sa cúta n~g Santiago at doo'y kinuha at pinawalán ang arzobispo, na pagdaca'y siyá, ang nagatang sa sarili n~g catungculang pagca Gobernador General sa Sangcapuluang itó. Hindi nagcamít parusa cailan man ang m~ga cakilakilabot na katampalasanang ito.--Sinipi sa "Censo de las Islas Filipinas" n~g 1903, tomo I, página 342--P.H.P. [70] "Su Majestad el Rey" sa wicang castilà. Masasabing: "ang Macapangyarihan Harì." [71] Sa matuwid bagá'y hindi niya pinahahalagahan ang taong sinasabi n~g Teniente. [72] Aayaw kilalanin n~g m~ga fraile si Alfonso XII, na n~g panahong sinasabi sa "Noli me tangere" ay síyang hari sa España, cung di si Cárlos de Borbón na naghahan~gad na siyáng maghari sa m~ga castilà. Dahil sa paghahan~gád na ito'y silasila ring m~ga castilà ang nan~gagsipagbaca, at maraming dugò ang nabuhos. Ang unang nacabaca n~g reina Cristina at n~g reina Isabel II ay si Cárlos de Borbón, capatid ni Fernando VII; isinalin niyá pagcatapos ang tinatawag niyang catuwiran sa Corona n~g España sa canyáng anác na si Cárlos Luis, na nagpamagat n~g Conde de Montemolin at haring Cárlos VI, na siyang muling nagsabog n~g caligaligan, dugô at m~ga capahamacan sa España, sa isang manin~gas na pagbabaca at n~g siyá'y matalo'y omowi sa Trieste at doon namatáy n~g 1861. Humalili cay Cárlos Luis ang canyang capatíd na si Juan Borbón, n~guni't walà itóng nagawáng may cahulugán. Ang anác ni Juang nagn~gan~galang Cárlos at nagpamagát n~g haring Cárlos VII ang siyang nagpatuloy n~g pagbabaca, sa udyóc at tulong n~g m~ga fraile at macafraile. Pinasimulán ang icatlong pagbabaca sa Españang m~ga capowa castila rin ang nagpatayan, n~g 8 n~g Abril n~g 1872. N~g panahong iyó'y maraming totoong salapi ang ipinadaláng galing sa Filipinas na handóg n~g m~ga fraile cay Cárlos, datapuwa't wala ring kinahinatnan ang pagpupumilit nitó, n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraile, cung dî magsabog n~g dugong calahi at papaghirapin n~g di ano lamang ang España. Natapos ang pagbabaca roon n~g 27 n~g Febrero n~g 1876, araw na ibinalic ni Cárlos sa Francia. Ang pinacamabuti sa m~ga general nito'y si Zumalacárregui at si Cabrera. Cumilala at sumuco si Cabrera sa haring Alfonso XII n~g taóng 1895. Cung pamagatán si Don Cárlos n~g m~ga castila'y "Cárlos Chapa."
Rate:0.0 / 0 votes

José Rizal

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda was a Filipino nationalist and polymath during the tail end of the Spanish colonial period of the Philippines. He is tagged as the national hero of the Filipino people. more…

All José Rizal books

1 fan

Discuss this Noli Me Tángere book with the community:

0 Comments

    Translation

    Translate and read this book in other languages:

    Select another language:

    • - Select -
    • 简体中文 (Chinese - Simplified)
    • 繁體中文 (Chinese - Traditional)
    • Español (Spanish)
    • Esperanto (Esperanto)
    • 日本語 (Japanese)
    • Português (Portuguese)
    • Deutsch (German)
    • العربية (Arabic)
    • Français (French)
    • Русский (Russian)
    • ಕನ್ನಡ (Kannada)
    • 한국어 (Korean)
    • עברית (Hebrew)
    • Gaeilge (Irish)
    • Українська (Ukrainian)
    • اردو (Urdu)
    • Magyar (Hungarian)
    • मानक हिन्दी (Hindi)
    • Indonesia (Indonesian)
    • Italiano (Italian)
    • தமிழ் (Tamil)
    • Türkçe (Turkish)
    • తెలుగు (Telugu)
    • ภาษาไทย (Thai)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)
    • Čeština (Czech)
    • Polski (Polish)
    • Bahasa Indonesia (Indonesian)
    • Românește (Romanian)
    • Nederlands (Dutch)
    • Ελληνικά (Greek)
    • Latinum (Latin)
    • Svenska (Swedish)
    • Dansk (Danish)
    • Suomi (Finnish)
    • فارسی (Persian)
    • ייִדיש (Yiddish)
    • հայերեն (Armenian)
    • Norsk (Norwegian)
    • English (English)

    Citation

    Use the citation below to add this book to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 23 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.

    We need you!

    Help us build the largest authors community and books collection on the web!

    Winter 2025

    Writing Contest

    Join our short stories contest for an opportunity to win cash prizes and attain global acclaim for your talent.
    2
    months
    5
    days
    20
    hours

    Our favorite collection of

    Famous Authors

    »

    Quiz

    Are you a literary expert?

    »
    Who wrote "One Hundred Years of Solitude"?
    A Jorge Luis Borges
    B Mario Vargas Llosa
    C Isabel Allende
    D Gabriel Garcia Marquez