Noli Me Tángere Page #7
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
[34] Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at man~gasiwà sa capanatagán n~g m~ga bayanbayan. N~g panahón n~g Gobierno n~g España'y may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil" ang pan~galan n~g m~ga na sa bayanbayan n~g m~ga lalawigan, at "Guardia Civil Veterana" ang na sa ciudad n~g Maynílà.--Pawang m~ga filipino ang m~ga sundalo n~g Guardia Civil at n~g Guardia Civil Veterana, at m~ga castílà ang m~ga oficial at ang m~ga púnò. Manacánacáng nagcacaroon n~g alferez at tenienteng m~ga filipino. Ang nahalili n~gayon sa Guardia Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia, at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia Civil at Veterana'y may m~ga Cuadrillero pa na pawang filipino ang m~ga sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at talibóng ang m~ga sandata. N~g m~ga hulíng taón n~g Gobierno n~g castila'y nagcaroon sa Maynílà n~g m~ga tinatawag na "Guardia Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang m~ga namamahalà n~g catahimican n~g m~ga namamayan, n~g m~ga hulíng panahón n~g m~ga castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana, ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa m~ga lalawiga'y ang Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag dito sa Maynílà, hindî co matandaan cung n~g taóng 1894 ó 1895.--P.H.P. [35] Ang nagtuturò sa paaralan.--P.H.P. [36] Colegio ó paaralang m~ga fraileng dominico ang may-arì at silá rin ang nan~gagtuturò. [37] Tinatawag na "dialéctico" ang gumagamit n~g dialéctica. Ang "dialéctica'y" ang carunun~gang ucol sa pag iisip-ísip at ang m~ga pinanununtunang landás sa bagay na itó.--P.H.P. [38] Si Santo Domingo de Guzman ang nagtatag n~g capisanan n~g m~ga fraileng dominico cayá sila'y tinatawag na m~ga anác ni Guzman.--P.H.P. [39] Ang nananatili sa pakikipanayam sa sangcataohan; ang hindî sacerdote. [40] Ang nagpápalagay n~g m~ga paláisipang dapat sagutin at tutulan sa pan~gan~gatowiran n~g catalo. [41] Ito'y ang balitang si G. Benedicto de Luna, marunong na abogadong filipino. [42] Ang pagtatan~gî at pagbubucod n~g pinagmamatuwirang anó man. [43] Ang m~ga inanác ó iniapó n~g m~ga unang senador sa Roma. [44] M~ga fraile. [45] Si Enrique Heine ay bantóg na poeta at crítico alemán. Sumulat sa wicang alemán. Ipinan~ganác n~g 1796 at namatáy n~g 1856. [46] Ang m~ga dios sa pinagtapunan. [47] Ang Tyrol ay isáng magandáng panig n~g Suiza at Baviera at isá sa m~ga lalawigan n~g Austria-Hungría. May siyam na raang libong tao ang namamayan doon. [48] Tinatawag na equinoccio ang pagcacaisá n~g hábà n~g araw at n~g gabí. Nagcacaequinoccio pagpapasimulâ n~g signo Aries at pagpapasimulâ namán n~g signo Libra. May equinoccio n~g tag-araw, mulâ sa 20 hanggang 21 n~g Marzo, at may equinoccio n~g tag-ulan, mulâ sa 22 hanggang 23 n~g Septiembre. [49] Halos talós n~g lahát n~g fipinong ang cahulugán n~g "morisqueta" ay canin; n~guni't ang walâ marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hindî wicang castilà, hindî tagalog, hindî latín, hindî insíc at iba pa. ¿Ang m~ga fraile cayâ ang nagtatag n~g salitang iyan? [50] Sinabi co na sa sa isá sa m~ga paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimulâ n~g librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay m~ga pulóng na sa panig n~g libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig n~g libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio n~g m~ga fraile, n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing putî sa m~ga túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutyâ sa m~ga lahing caymanggui. Caacbáy n~g sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, han~gal, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pan~git, waláng cahihiyan at iba pang lalong m~ga casamasamâan. Sacsí nitóng m~ga sabi co ang m~ga sinulat n~g m~ga fraile't castilà tungcol sa Filipinas. N~guni't ang lalong nacatátawa'y ang m~ga táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maputî ang caniláng balát ay tumatawag sa capowâ tagritong caymangui n~g indio ... ¡M~ga dukhang damdamin!--P.H.P. [51] Ito'y lubós na catotohanan. Ang sumusulat nito'y nacapan~gumpisal n~g panahóng cabataan pa sa isáng fraileng palibhasa'y bahagyâ n~g macawatas n~g wicang tagalog, ipinipilit na ang casalanang ikinucumpisal ay sabihin n~g nan~gun~gumpisal sa m~ga salitáng cahalayhalay at magagaang na sa Diccionariong wicang castilà at wicang tagalog na sinulat n~g caniláng capowà fraile.--P.H.P. [52] Ang m~ga sinisin~gíl sa binyag, casal, tawag, libíng, campana, ciriales at iba pa. [53] Ang caraniwang tinatawag na "manong" ó "manang", galing sa salitang "hermano", "hermana". May dalawang bagay na manong, ang manong na franciscano ó franciscana at manong na dominico ó dominicana. [54] Dating estancado ang tabaco dito sa Filipinas. Ang Gobierno n~g España ay siyang namímilì n~g tabacong dahon sa m~ga magsasacá sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco, ang Gobierno ang nagpapadalá dito sa Maynílà siya ang nagpapagawa n~g tabaco at cigarrillo at siya rin ang nagbibilí. Sino ma'y walang nacabibilí n~g tabacong dahon cung dî ang Gobierno at sino ma'y walang nacapagbibilí n~g tabacong dahon, n~g tabacong yarì at n~g cigarrillo cung dî ang Gobierno. Sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco'y may m~ga cagawad ang Gobierno, na siyang nan~gan~gatawa't n~g gumalíng ang taním na tabaco at mag-ani n~g marami. Ang Gobiernong mamimili ay siya ring nagháhalaga n~g tabacong dahong canyang biníbili. N~g taóng 1883 ay inalís dito sa Filipinas n~g Gobierno n~g España ang estanco n~g tabaco at binigyang calayaan ang lahat na macapagtaním at macapagbilí n~g tabacong dahon, tabacong yarì ó cigarrillo, at ang inihalili sa estanco ay iba't ibang bagay na pagpapabowis sa m~ga tagarito.--P.H.P. [55] Alac na Jerez, na nanggagaling sa uvas na inaani sa bayang Jerez de la Frontera, na sacop n~g lalawigang Cadiz, caharian n~g España. Ang bayang iyo'y mayaman, nasa tabí n~g ilog Guadalete at may 62,009 ang nananahang tao.--P.H.P. [56] Tinatawag na Evangelio ang m~ga sinulat ni San Mateo, San Lucas, San Marcos at San Juan. Ang m~ga sinulat n~g apat na Santong itó, na dî iba cung dî ang casaysayan n~g m~ga ipinan~garal at buhay ni Jesucristo, ang siyang pinagpapatuunan n~g m~ga utos at palatuntunan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, n~g Iglesia Cismática sa Rusia at sa Grecia, n~g Iglesia Protestante at n~g Iglesia Filipina Independiente.--P.H.P. [57] Ang cahulugan n~g sabing indolente ay ang táong hindî napupucaw ang loob sa m~ga bagay na sa iba'y nacasakit. Ang walang malasakit sa ano man, ang mabagal, ang tamád. [58] "Bailujan," galing sa sabing "baile," sayáw. Ang baile ay wicang castilà. Ang "bailuhan" ay hindî guinagamit n~g m~ga fraile at n~g m~ga castilà dito sa Filipinas cung dî ang sabing "baile" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g capowà castílà, at "bailujan" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g m~ga filipino. Sa maiclíng sabi, ang cahulugan n~g "bailujan" ay sayáw na carapatdapat cutyaín, catawátawá, waláng cahusayan.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 22 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In