Noli Me Tángere
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin. M~ga wika sa Evangelio ni San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay Huwag acong salan~gin nino man. Tinatawag din namáng Noli me Tangere ang masamang bukol na nacamamatay na Cancer cung pamagatán n~g m~ga pantás na mangagamot. Sa han~gad na ang m~ga librong NOLI ME TANGERE at FILIBUSTERISMO, na kinatha n~g Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang magaling n~g catagalugan, ang m~ga doo'y sinasabing nagpapakilala n~g tunay nating calayaan at n~g dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán n~g nin~gas n~g ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong ipalimbag ang isinawikang tagalog na m~ga librong yaon, sa dahilang sa bilang na sampòng millong (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos n~g wicang castila na guinamit sa m~ga kinathang yaón. Cung pakinaban~gan n~g aking m~ga calahi itong wagás cong adhica, walang cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit babahagya'y nacapaglicod acó sa Inang-Bayan. Maynila, unang araw n~g Junio n~g taong isang libo siyam na raan at siyam. Saturnina Rizal ni Hidalgo, ó NENENG RIZAL. =NOLI ME TANGERE= Catha sa wicang castila ni =Dr. José Rizal= at isinatagalog ni =Pascual H. Poblete= =SA AKING TINUBUANG LUPA=[1] Nátatalà sa "historia"[2] n~g m~ga pagdaralità n~g sangcataohan ang isáng "cáncer"[3] na lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitnâ n~g m~ga bágong "civilización"[4], sa han~gad co cung minsang caulayawin co ang sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y n~g isumag co icáw sa m~ga ibáng lupaín, sa towî na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may tagláy n~g gayón ding cáncer sa pamamayan. Palibhasa'y nais co ang iyong cagalin~gang siyáng cagalin~gan co rin namán, at sa aking paghanap n~g lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà n~g m~ga tao sa úna sa canilang m~ga may sakít: caniláng itinátanghal ang m~ga may sakít na iyan sa m~ga baitang n~g sambahan, at n~g bawa't manggaling sa pagtawag sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan. At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundan~gan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui n~g cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô n~g pagmamahál sa sariling dan~gál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong m~ga caculan~gán at m~ga carupucán n~g púsò. Ang Cumatha. Europa, 1886. TALABABA: [1] A mi pátria, ang sabi sa "original" na wicang castilà. Ang sabing "pátria" ay waláng catumbas sa wícà natin cung dî: ang tinubuang lupà, ang tinubuan bayan, ang kinaguisnang bayan, ang kinamulatang bayan, at iba pa. N~guni't ang sinasabing bayan ò lupà rito'y saclaw ang boong Sangcapuluang Filipinas, hindî ang lupang Naic ó bayang Malabon ó lalawigang Tayabas, cung di ang capisanan n~g lahat n~g bayan, n~g lahat n~g lalawigan sa boong Sangcapuluang ito, casama ang m~ga bundóc, gubat, ilog, dagat at iba pa.--P.H.P. [2] "Casaysayan n~g ano mang nangyayari." Ipinan~gun~gusap na "istoria"; sa pagka't sa wicang castila'y hindî isinasama ang h sa pagbasa--P.H.P. [3] Ang cáncer ay masamáng "bùcol" ó bagâ, na hindî maisatagalog na "bagâ" ó búcol, sa pagca't ibang iba sa m~ga sakit na itó. Caraniwang napagagaling ang "bagâ" ó búcol, datapowa't ang "cáncer" ay hindî. Bawa't dapuan n~g "cáncer" ay namamatay. Wala pang lunas na natatagpuan ang m~ga pantás na manggagamot upang mapagalíng ang "cáncer", na cung pamagatá'y "carcinoma." May nagsasabing napagagaling ang "carcinoma" sa pamamag-itan n~g paglapláp sa búcol, cung panahóng bagong litáw, na walang ano mang itítira, datapuwa't palibhasa'y hindî nararamdaman n~g may sakít n~g carcinoma na siya'y mayroon nito, cung dî cung malubha na, iyan ang cadahilana't walâ n~g magawâ ang m~ga cirujano. Ang caraniwang dinadapuan n~g cáncer, carcinoma, ay ang m~ga taong bayan at hindi ang taga bukid; at lalong madalas sa babae cay sa lalakí. Sa suso ó sa bahay-bata madalás dumápò cung sa babae. Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang pagcamatay n~g may sakit.--P.H.P. [4] Tinatawag na civilización ang caliwanagan n~g isip dahîl sa pag-aaral n~g m~ga bago't bagong dunong. Nagpasimula ang tinatawag na "civilización moderna," ó bagong civilización, n~g icalabinglimang siglo, at nacatulong na totoo na bagay na ito ang pagcátuclas n~g limbagan.--P.H.P. =NOLI ME TANGERE= =I.= =ISANG PAGCACAPISAN.= Nag-anyaya n~g pagpapacain nang isáng hapunan, n~g magtátapos ang Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala n~g bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y siyang dahil na n~g lahát n~g m~ga usap-usapan sa Binundóc, sa iba't ibang m~ga nayon at hanggang sa loob n~g Maynílà. N~g panahóng yao'y lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at talastas n~g ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay hindî nagsásara n~g pintô canino man, liban na lamang sa m~ga calacal ó sa anó mang isip na bago ó pan~gahás. Cawan~gis n~g kisláp n~g lintíc ang cadalîan n~g pagcalaganap n~g balítà sa daigdigan n~g m~ga dápò, m~ga lan~gaw ó m~ga "colado"[5], na kinapal n~g Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami n~g boong pag-irog sa Maynílà. Nan~gagsihanap ang ibá nang "betún" sa caniláng zapatos, m~ga botón at corbata naman ang ibá, n~guni't siláng lahát ay nan~gag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon n~g caibigan, ó cung magcatao'y humin~gí pang tawad na hindî nacadalóng maaga. Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdâan, daanan n~g bangcang nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y hindî maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglagô n~g panahón.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 21 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In