Noli Me Tángere Page #2
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip. Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukhâ; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagyâ na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring culay. Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga araña[19]: at doon sa ibabaw n~g isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na "piano de cola"[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan: --¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa! Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.--¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán!--itó marahil ang sinasabi niya sa canilá. Halos punô n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae, tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Señora"[25] na nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae? Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hindî magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî mag-alay sa m~ga española n~g tabaco at hitsô, at magpahalíc n~g canyang camáy sa m~ga filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 21 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In