Noli Me Tángere Page #3
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
--¡Jesus! ¡Hintay cayó, m~ga indigno[26]! At hindî na mulíng sumipót. Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g cauntî. Umaaticabong nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't mahihinà ang voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo n~g dalirî ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî n~g pananamit, nan~gacatalicod camáy at dî umíimic ay nan~gagpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas, tulad sa guinágawâ n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan n~g m~ga botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31]. Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.--Ang isá sa m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa m~ga "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità. Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang malusóg na pan~gan~gatawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang m~ga pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad na m~ga pan~gá at batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] n~g Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay n~g abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos n~g panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ n~g gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugalî n~g canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga bintíng mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò. Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatán~gì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano. --Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano--pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas! --N~guni't.... --Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at n~g dî na macaimíc ang canyang causap--aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga carunun~gan at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't n~g macaraan ang tatlóng taón, n~g aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy n~g curang "indio" roon, nan~gagsipanan~gis ang lahat n~g babae, pinuspos acó n~g m~ga handóg, inihatid nila acong may casamang música.... --Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang.... --¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacanin~gas! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at n~g siya'y umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g marami ang umiyác at lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò n~g mainam mamálò at pinataas pa ang m~ga "derechos n~g parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí. --N~guni't itutulot ninyó sa aking.... --Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito, cung anó ang pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang nan~gin~gibig sa bawa't dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá n~g batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga lupà at doon camí naguíng magcaibigan. N~gayo'y makikita ninyó cung anó ang "indio"; n~g aco'y umalís, bahagya na acó inihatid n~g ilang m~ga matatandáng babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco roong dalawampong taón! N~guni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán n~g inyong m~ga sinabi sa pagcacaális n~g "estanco n~g tabaco"[54]--ang sagot n~g may mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang sandaling pagcatiguil dahil sa pag-inom n~g franciscano n~g isang copita n~g Jerez[55].
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 22 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In