Noli Me Tángere book cover

Noli Me Tángere Page #4

Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.


Year:
1887
553 Views

Submitted by acronimous on February 27, 2020


								
Sa pangguiguilalas n~g dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at: --¿Paano? ¿paano?--ang sinabi pagcatapos n~g boong pagtatacá.--Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì iyang casíng liwanag n~g ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita, anác n~g Dios, na ang lahat n~g ito'y nagpapatibay na totoo, na pawang cahalin~gán ang m~ga pagbabagong utos na guinágawà n~g m~ga minìstro? N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos. --¿Inaacalà bagá ninyó ...?--ang sa cawacasa'y nagawang tanóng n~g boong catimpian n~g binátà, na tinítitigan n~g boong pagtatacá ang fraile. --¿Na cung inaacalà co? ¡Sinasampalatayanan cong gaya n~g pagsampalataya sa Evangelio[56]! ¡Napaca "indolente"[57] ang "indio"! --¡Ah! ipatawad po ninyong salabatin co ang inyong pananalitâ--anang binatà, na idinahan ang voces at inilapít n~g cauntî ang canyang upuan; sinabi po ninyo ang isang salitâ na totoong nacaakit sa aking magdilidili. ¡Tunay n~ga cayang catutubò n~g m~ga dalisay na tagarito ang pagca "indolente," ó nangyayari ang sinasabi n~g isang maglalacbáy na taga ibang lupain, na tinátacpan natin n~g pagca indolenteng ito ang ating sariling pagca indolente, ang pagcáhuli natin sa pagsulong sa m~ga carunun~gan at ang ating paraan n~g pamamahala sa lupaíng nasasacupan? Ang sinabi niya'y ucol sa m~ga ibang lupaíng sacóp, na ang m~ga nananahan doo'y pawang sa lahì ring iyan!... --¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio! --Tunay n~ga--ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang binangguit--¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg n~g híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g daigdíg! --¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba pang lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob! --¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò! Nagpasimulâ ang binatang mapulá ang buhóc n~g pagpapalin~gaplin~gap sa magcabicabilà n~g boong pag-aalap-ap. --M~ga guinoo--ang sinabing marahan--tila mandin tayo'y na sa bahay n~g isang "indio". Ang m~ga guinoong dalagang iyan.... --¡Bah! huwag cayóng napaca magugunigunihin! Hindî ipinalalagay ni Santiagong siya'y "indio," bucód sa roo'y hindî siya naháharap, at.... ¡cahi't náhaharap man siya! Iya'y m~ga cahalin~gán n~g m~ga bágong dating. Hayaan ninyong macaraan ang ilang bowan; magbabago cayóng isipán pagca cayo'y nacapagmalimít sa maraming m~ga fiesta at "bailujan"[58], nacatulog sa m~ga catre at nacacain n~g maraming "tinola". --Tinatawag po ba ninyong tinola ang bun~gang cahoy na cahawig n~g "loto"[59] na ... ganyan ... nacapagmamalimutin sa m~ga tao? --¡Ano bang loto ni loteria!--ang sagot ni párì Dámasong nagtátawa;--nagsasalitâ cayó n~g m~ga cahalin~gán. Ang tinola ay ang pinaghalong inahíng manoc at sacá úpo. ¿Buhat pa cailán dumating cayó? --Apat na araw--ang sagot n~g binatang ga namumuhî na. --¿Naparito ba cayong may catungculan? --Hindi pô; naparito acó sa aking sariling gugol upang mapagkilala co ang lupaíng itó. --¡Aba, napacatan~gì namang ibon!--ang saysay ni Fr. Dámaso, na siya'y minamasdan n~g boong pagtatacá--¡Pumarito sa sariling gugol at sa m~ga cahalin~gán lamang! ¡Cacaibá namáng totoo! ¡Ganyang caraming m~ga libro ... sucat na ang magcaroon n~g dalawang dáling noo[60].... Sa ganya'y maraming sumulat n~g m~ga dakílang libro! ¡Sucat na ang magcaroon n~g dalawang daling noo.... --Sinasabi n~g "cagalanggalang po ninyo"[61] ("Vuestra reverencia"), párì Dámaso--ang biglang isinalabat n~g dominico na pinutol ang salitaan--na cayo'y nanaháng dalawampong taón sa bayang San Diego at cayo umalis doon.... ¿hindî pô ba kinalúlugdan n~g inyong cagalan~gan ang bayang iyon? Biglang nawalâ ang catowaan ni Fr. Dámaso at tumiguil n~g pagtatawá sa tanóng na itong ang anyo'y totoong parang walang anó man at hindî sinásadyâ. Nagpatuloy n~g pananalitâ ang dominico n~g anaki'y lalong nagwáwalang bahálà: --Marahil n~ga'y nacapagpipighati ang iwan ang isáng bayang kinátahanang dalawampong taón at napagkikilalang tulad sa hábitong suot. Sa ganáng akin lamang naman, dinaramdam cong iwan ang Camilíng, gayóng iilang buwan acóng nátira roon ... n~guni't yaó'y guinawâ n~g m~ga púnò sa icagagaling n~g Capisanan ... at sa icágagaling co namán. Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g camáy n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ: --¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán! At sácâ mulíng sumuntóc. --¡Hindi!--ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón. Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng na iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya si pári Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata. Tumiguil na sandali ang dalawáng extranjerong nan~gagpapasial, nan~gagtin~ginan, ipinakitang saglít ang caniláng m~ga pan~gil; at pagdaca'y ipinagpatuloy uli ang caniláng pagpaparoo't parito. --¡Masamâ ang loob dahiláng hindî ninyó binigyán n~g Reverencia (Cagalang-galang)!--ang ibinulóng sa tain~ga n~g binatang mapulá ang buhóc ni guinoong Laruja. --¿Anó pô bâ, ang ibig sabihin n~g "cagalanggalang" ninyó (Vuestra Reverencia)? ¿anó ang sa inyo'y nangyayari?--ang m~ga tanóng n~g dominico at n~g teniente, na iba't ibá ang taas n~g voces. --¡Cayâ dumaráting dito ang lubháng maraming m~ga sacunâ! ¡Tinatangkílik n~g m~ga pinúnò ang m~ga "hereje"[62] laban sa m~ga "ministro" n~g Dios[63]! ang ipinagpatuloy n~g franciscano na ipinagtutumâas ang canyáng malulusog ó na m~ga panuntóc. --¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang mulíng itinanóng n~g abot n~g kilay na teniente na anyóng titindig. --¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?--ang inulit ni Fr. Dámaso, na lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.--¡Sinasabi co ang ibig cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng catuwirang macapagparusa. ¡At n~gayo'y ang isáng "generalito"[64], ang isáng generalito Calamidad[65]...! --¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador General) ay Vice-Real Patrono[67],--ang sigaw n~g teniente na nagtindíg. --¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!--ang sagót n~g franciscanong nagtindíg din.--Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y kinaladcád sana siyá n~g pababâ sa hagdanan, tulad n~g minsa'y guinawâ n~g m~ga Capisanan n~g m~ga fraile sa pusóng na Gobernador Bustamante[69]. ¡Ang m~ga panahóng iyón ang tunay na panahón n~g pananampalataya!
Rate:0.0 / 0 votes

José Rizal

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda was a Filipino nationalist and polymath during the tail end of the Spanish colonial period of the Philippines. He is tagged as the national hero of the Filipino people. more…

All José Rizal books

1 fan

Discuss this Noli Me Tángere book with the community:

0 Comments

    Translation

    Translate and read this book in other languages:

    Select another language:

    • - Select -
    • 简体中文 (Chinese - Simplified)
    • 繁體中文 (Chinese - Traditional)
    • Español (Spanish)
    • Esperanto (Esperanto)
    • 日本語 (Japanese)
    • Português (Portuguese)
    • Deutsch (German)
    • العربية (Arabic)
    • Français (French)
    • Русский (Russian)
    • ಕನ್ನಡ (Kannada)
    • 한국어 (Korean)
    • עברית (Hebrew)
    • Gaeilge (Irish)
    • Українська (Ukrainian)
    • اردو (Urdu)
    • Magyar (Hungarian)
    • मानक हिन्दी (Hindi)
    • Indonesia (Indonesian)
    • Italiano (Italian)
    • தமிழ் (Tamil)
    • Türkçe (Turkish)
    • తెలుగు (Telugu)
    • ภาษาไทย (Thai)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)
    • Čeština (Czech)
    • Polski (Polish)
    • Bahasa Indonesia (Indonesian)
    • Românește (Romanian)
    • Nederlands (Dutch)
    • Ελληνικά (Greek)
    • Latinum (Latin)
    • Svenska (Swedish)
    • Dansk (Danish)
    • Suomi (Finnish)
    • فارسی (Persian)
    • ייִדיש (Yiddish)
    • հայերեն (Armenian)
    • Norsk (Norwegian)
    • English (English)

    Citation

    Use the citation below to add this book to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 22 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.

    We need you!

    Help us build the largest authors community and books collection on the web!

    Winter 2025

    Writing Contest

    Join our short stories contest for an opportunity to win cash prizes and attain global acclaim for your talent.
    2
    months
    6
    days
    16
    hours

    Our favorite collection of

    Famous Authors

    »

    Quiz

    Are you a literary expert?

    »
    Who is the author of "The Canterbury Tales"?
    A William Langland
    B John Milton
    C Geoffrey Chaucer
    D Thomas Malory