Noli Me Tángere Page #5
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
--Ipinauunawà co sa inyó na di co maitutulot ... Ang "Canyang Carilagán," (ó ang marilág na Gobernador General) ang pinacacatawán n~g Canyáng Macapangyarihan, ang Hárì[70]. --¡Anó bang hárì ó cung Roque[71] man! Sa ganáng amin ay waláng ibáng hárì cung dî ang tunay[72].... --¡Tiguil!--ang sigáw n~g tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay nag-uutos sa canyáng m~ga sundalo;--¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang Carilagán!... --¡Lacad na cayó n~gayón din, lacad na cayó!--ang sagót n~g boong paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang camáy.--¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...? ¡Lacad na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche! Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad ay nakialam ang dominico.--¡M~ga guinoo!--ang sabi niyáng taglay ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong nababagay sa m~ga fraile;--huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang m~ga bagay, at howag namán cayóng humánap n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng makikita cayó. Dapat nating ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang m~ga pananalitâ n~g tao sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga pananalitâ n~g sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay hindî macasasakít n~g loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g catotohanan. Sa m~ga pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui: ang m~ga sinasabing "ab irato"[74], ang m~ga sinabing "exore"[75], datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing "in corde". Ang m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g loob: sacali't dating tinatagláy n~g "in meate"[77] sa isáng cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan n~g salitàan, cung mayroong.... --¡N~guni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang m~ga cadahilanan, pári Sibyla!--ang isinalabat n~g militar, na nakikita niyáng siya'y nabibilot n~g gayóng caraming m~ga pag tatan~gitan~gi, at nan~gan~ganib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na may casalanan.--Nalalaman co ang m~ga cadahilanan at papagtatan~giin n~g "cagalan~gan pô ninyo" (papagtatan~gitan~giin pô ninyo). Sa panahóng wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng n~g coadjutor[80] ang bangcáy n~g isáng táong totoong carapatdapat ...; opò, totoong carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at tumúloy acó sa canyáng bahay. Na siya'y hindi nan~gumpisál cailan man, at iyán bagá'y ¿anó? Acó ma'y hindi rin nan~gun~gumpisál, n~guni't sabihing nagpacamatáy, iya'y isáng casinun~galin~gan, isáng paratang. Isáng táong gaya niyáng may isáng anác na lalaking kinabubuhusan n~g boong pag-irog at m~ga pag-asa, isáng táong may pananampalataya sa Dios, na nacacaalám n~g canyang m~ga catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong mapagmahál sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng tao'y hindî nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang m~ga ibáng aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin n~g "cagalan~gan" pô ninyó. At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ: --N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay n~ga't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; n~guni't nabalitaan n~g Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hinin~gi ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó n~gâ lamang ang nangyari. N~gayo'y gawín n~g "inyó pong cagalan~gán" ang pagtatan~gitan~gi. At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón. --Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na totoong mapan~ganib ani párì Sibylang may pighatî.--Datapuwa't cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan.... --¡Anó bang pakikinaban~gin! ¿At ang nawáwalâ sa m~ga paglipat ... at ang m~ga papel ... at ang m~ga ... at ang lahát n~g m~ga náliligwín?--ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi macapagpiguil n~g galit. Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican. Nan~gagsidatíng ang ibá pang m~ga tao, caacbáy ang isáng matandáng castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig n~g isáng matandáng babaeng filipinang punô n~g culót ang buhóc, may m~ga pintá ang mukhâ at nacasuot europea. Sila'y sinalubong n~g bating catoto n~g naroroong pulutóng, at nan~gagsiupô sa tabí n~g ating m~ga cakilala ang Doctor De Espadaña at ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y napapanood ang iláng m~ga "periodista"[81] at m~ga "almacenero"[82] na nan~gagpaparoo't parito at waláng maalamang gawín. --N~guni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng tao cayâ ang may arì n~g bahay?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc.--Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83]. --Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita. --¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala!--ang isinabád ni Fr. Dámaso,--Si Santiago'y isáng táong mabaít. --Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ--ang idinugtong ni Laruja. --¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!--ang sinabi sa malambing na pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico.--¿Paano pô bang matutuclasan pa n~g abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito n~g m~ga insíc na malaong panahón na? [Larawan:.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa ang "Doctora" Doña Victorina ...--Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.] --¿Nang m~ga insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?--ang sabi ni Fr. Dámaso,--¡Tumahán n~gâ cayó! ¡Ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora'y isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co maalaman Savalls, n~g siglong ... ¡icapitó! --¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì Savalls na iyan--ang itinutol n~g guinoong babae na hindî ipinatatalo n~g gayongayon lamang ang canyang m~ga isipan. --Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong babae--ang itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya tinítingnan. --Hindî co maalaman; sinabi ni Fr. Dámasong Savalls: walâ acóng guinawâ cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ. --¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó n~gayon? ¡Hindî dahil sa isáng letra ay siya'y maguiguing insíc!--ang mulíng sinaysay na nayáyamot ang franciscano. --At n~g icalabing-apat na siglo at hindî n~g icapitó--ang idinugtóng n~g dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at n~g pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 22 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In