Noli Me Tángere book cover

Noli Me Tángere Page #10

Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.


Year:
1887
553 Views

Submitted by acronimous on February 27, 2020


								
--Guinoo--ang sagót ni Ibarrang nababagbag ang púsò--ang inyo pong pagpuri sa aking amá ay pumapawì n~g aking m~ga pag-alap-ap tungcol sa caniyang kinahinatnang palad, na aco, na canyang anác ay di co pa napagtátalos. Napunô n~g lúhà ang m~ga matá n~g matandà, tumalicód at umalís na dalídálì. Napag-isa ang binata sa guitnâ n~g salas; at sa pagca't nawalâ ang may bahay, walâ siyang makitang sa canya'y magpakilala sa m~ga dalaga, na ang caramiha'y tinitingnan siya n~g may paglin~gap. Nang macapag-alinlang may iláng minuto, tinun~go niya ang m~ga dalagang tagláy ang calugodlugod na catutubong kilos. --Itulot ninyo sa aking lacdan~gan co--anya--ang m~ga utos n~g mahigpit na pakikipagcapwa tao. Pitóng taón na n~gayong umalís acó rito sa aking bayan, at n~gayong aco'y bumalíc ay hindi co mapiguilan ang nasang aco'y bumáti sa lalong mahalagang hiyas niya; sa canyang m~ga suplíng na babae. Napilitan ang binatang lumayò roon, sa pagca't sino man sa m~ga dalaga'y waláng nan~gahás sumagot. Tinun~go niya ang pulutóng n~g ilang m~ga guinoong lalaki, na n~g mámasid na siya'y dumarating ay nan~gagcabilog. M~ga guinoo--anya--may isang caugalían sa Alemaniang pagca pumaparoon sa isang capisanan, at walang masumpun~gang sa canya'y magpakilala sa m~ga ibá; siya ang nagsasabi n~g canyáng pan~galan at napakikilala, at sumasagot naman ang m~ga causap n~g sa gayón ding paraan. Itúlot pô ninyó sa akin ang ganitóng ugálì; hindî dahil sa ibig cong dito'y magdalá n~g m~ga asal n~g m~ga tagá ibáng lupain, sa pagca't totoong magaganda rin naman ang ating m~ga caugalian, cung dî sa pagca't napipilitan cong gawín ang gayong bagay. Bumati na acó sa lan~git at sa m~ga babae n~g aking tinubuang lúpà: n~gayo'y ibig cong bumati naman sa m~ga cababayan cong lalaki. ¡M~ga guinoo, ang pan~galan co'y Juan Crisóstomo Ibarra at Magsalin! Sinabi naman sa canya n~g canyang m~ga causap ang canicanilang m~ga pan~galang humiguit cumulang ang pagca walang cabuluhan, humiguit cumulang ang pagca hindî nakikilala nino man. --Ang pan~galan co'y A--á!--ang sinabi't sucat n~g isang binata at bahagya n~g yumucód. --¿Bacâ po cayá may capurihan acong makipagsalitaan sa poetang ang m~ga sinulat ay siyáng nacapagpanatili n~g marubdób cong pagsintá sa kinaguisnan cong bayan? Ibinalità sa aking hindî na raw po cayó sumusulat, datapuwa't hindî nila nasabi sa akin ang cadahilanan ... --¿Ang cadahilanan? Sa pagcá't hindî tinatawag ang dakílang nin~gas n~g isip upang ipamalingcahod at magsinun~galíng. Pinag-usig sa haráp n~g hucóm ang isang tao dahil sa inilagáy sa tulâ ang isang catotohanang hindi matututulan. Aco'y pinan~galanang poeta, n~guni hindî aco tatawaguing ulól. --At ¿mangyayari po bagang maipaunawà ninyo cung anó ang catotohanang yaon? --Sinabi lamang na ang anac n~g león ay león din namán; cacaunti na't siya'y ipinatapon sana. At lumayô sa pulutóng na iyón ang binatang may cacaibang asal. Halos tamátacbo ang isáng táong masayá ang pagmumukhâ, pananamit filipino ang suot, at may m~ga botones na brillante sa "pechera." Lumapit cay Ibarra, nakipagcamay sa canyá at nagsalitâ: --¡Guinoong Ibarra, hinahan~gad cong mákilala co pô cayó; caibigan cong matalic si Capitang Tiago, nakilala co ang inyóng guinoong amá ...; ang pan~galan co'y Capitang Tinong, nanánahan aco sa Tundóng kinálalagyan n~g inyóng báhay; inaasahan cóng pauunlacán ninyó acó n~g inyóng pagdalaw; doon na pô cayó cumain búcas! Bihág na bihág si Ibarra sa gayóng calakíng cagandahang loob: n~gumín~gitî si Capitang Tinong at kinucuyumos ang m~ga camay. --¡Salamat po!--ang isinagót n~g boong lugód.--N~guni't pasasa San Diego po acó búcas ... --¡Sáyang! ¡Cung gayo'y sacâ na, cung cayo'y bumalíc! --¡Handâ na ang pagcain!--ang bigáy álam n~g isáng lingcod n~g Café "La Campana." Nagpasimulâ n~g pagpasamesa ang panauhín, bagá man nagpapamanhíc na totoo ang m~ga babae, lalong lalò na ang m~ga filipina. TALABABA: [85] Caraniwan sa catagalugan tawaguing "among" ang parì, marahil sa turò rin n~g fraile. Ang sabing "among" ay galing sa "amo," na ang cahuluga'y "pan~ginoon," at ang tumatawag n~g "amo" ay "alipin." ¿Bakit hindi sila nagpatawag n~g "ama" na siyáng cahulugan sa wicang tagalog n~g sabing "padre?" ¿Bakit itinutulot n~g m~ga sacerdote na silá'y tawaguin "amo?" =III.= =ANG HAPUNAN= Jele jele bago quiere,[86] Tila mandîn totoong lumiligaya si Fr. Sibyla: tahimic na lumalacad at hindî na námamasid sa canyáng nan~gin~gilis at manipís na m~ga labì ang pagpapawaláng halagá; hanggáng sa marapating makipagusap sa pilay na si doctor De Espadaña, na sumásagot n~g putól-putól na pananalitâ, sa pagcát siya'y may pagcá utál. Cagulatgulat ang samâ n~g loob n~g franciscano, sinisicaran ang m~ga sillang nacahahadláng sa canyáng nilalacaran, at hanggáng sa sinicó ang isáng cadete. Hindî nagkikikibô ang teniente; nagsasalitaán n~g masayá ang ibá at caniláng pinupuri ang cabutiha't casaganàan n~g haying pagcain. Pinacunot ni Doña Victorina, gayón man, ang canyáng ilóng; n~guni't caracaraca'y lumin~góng malakí ang gálit, cawan~gis n~g natapacang ahas: mangyari'y natuntun~gan n~g teniente ang "cola" n~g canyáng pananamít. --Datapuwa't ¿walâ pô bâ, cayóng m~ga matá?--anyá. --Mayroon pô, guinoong babae, at dalawáng lalóng magalíng cay sa m~ga matá ninyó; datapowa't pinagmámasdan co pô iyang inyóng m~ga culót n~g buhóc--ang itinugón n~g militar na iyong hindî totoong mápagparayâ sa babae, at sacâ lumayô. Bagá man hindî sinasadya'y capuwâ tumun~go ang dalawáng fraile sa dúyo ó ulunán n~g mesa, marahil sa pagca't siyáng pinagcaratihan nilá at nangyari n~gâ ang mahíhintay, na tulad sa nan~gagpapan~gagaw sa isáng cátedra[87]: pinupuri sa m~ga pananalitâ ang m~ga carapatán at cataásan n~g ísip n~g m~ga capan~gagáw; datapua't pagdaca'y ipinakikilala ang pabaligtad, at nan~gag-úun~gol at nan~gag-uupasalà cung hindî silá ang macapagtamó n~g caniláng han~gád. --¡Ucol pô sa inyó, Fr. Dámaso! --¡Ucol pô sa inyó, Fr. Sibyla! --Cayo ang lalong unang cakilala sa bahay na itó ... confesor n~g nasirang may bahay na babae, ang lalong may gulang, may carapatán at may capangyarihan.... --¡Matandáng matanda'y hindî pa naman!--n~guni't cayo pô naman ang cura nitong bayan!--ang sagót na matabang ni Fr. Dámasong gayón ma'y hindî binibitiwan ang silla. --¡Sa pagca't ipinag-uutos pô ninyó'y acó'y sumusunod!--ang iniwacás ni Fr. Sibyla. --¡Aco'y hindî nag-uutos!--ang itinutol n~g franciscano--¡aco'y hindî nag-uutos! Umuupô na sana si Fr. Sibylang hindî pinápansin ang m~ga pagtutol na iyón, n~g macasalubong n~g canyang m~ga matá ang m~ga matá n~g teniente. Ang lalong mataas na oficial sa Filipinas, ayon sa caisipán n~g m~ga fraile, ay totoong malakí ang cababaan sa isáng uldog na tagapaglútò n~g pagcain. "Cedant arma togæ"[88], ani Cicerón sa Senado; "cedant arma cotae"[89] anang m~ga fraile sa Filipinas. Datapuwa't mapitagan si Fr. Sibyla, caya't nagsalitâ: --Guinoong teniente, dito'y na sa mundo[90] po tayo at walâ sa sambahan; nararapat po sa inyo ang umupô rito.
Rate:0.0 / 0 votes

José Rizal

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda was a Filipino nationalist and polymath during the tail end of the Spanish colonial period of the Philippines. He is tagged as the national hero of the Filipino people. more…

All José Rizal books

1 fan

Discuss this Noli Me Tángere book with the community:

0 Comments

    Translation

    Translate and read this book in other languages:

    Select another language:

    • - Select -
    • 简体中文 (Chinese - Simplified)
    • 繁體中文 (Chinese - Traditional)
    • Español (Spanish)
    • Esperanto (Esperanto)
    • 日本語 (Japanese)
    • Português (Portuguese)
    • Deutsch (German)
    • العربية (Arabic)
    • Français (French)
    • Русский (Russian)
    • ಕನ್ನಡ (Kannada)
    • 한국어 (Korean)
    • עברית (Hebrew)
    • Gaeilge (Irish)
    • Українська (Ukrainian)
    • اردو (Urdu)
    • Magyar (Hungarian)
    • मानक हिन्दी (Hindi)
    • Indonesia (Indonesian)
    • Italiano (Italian)
    • தமிழ் (Tamil)
    • Türkçe (Turkish)
    • తెలుగు (Telugu)
    • ภาษาไทย (Thai)
    • Tiếng Việt (Vietnamese)
    • Čeština (Czech)
    • Polski (Polish)
    • Bahasa Indonesia (Indonesian)
    • Românește (Romanian)
    • Nederlands (Dutch)
    • Ελληνικά (Greek)
    • Latinum (Latin)
    • Svenska (Swedish)
    • Dansk (Danish)
    • Suomi (Finnish)
    • فارسی (Persian)
    • ייִדיש (Yiddish)
    • հայերեն (Armenian)
    • Norsk (Norwegian)
    • English (English)

    Citation

    Use the citation below to add this book to your bibliography:

    Style:MLAChicagoAPA

    "Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 23 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.

    We need you!

    Help us build the largest authors community and books collection on the web!

    Winter 2025

    Writing Contest

    Join our short stories contest for an opportunity to win cash prizes and attain global acclaim for your talent.
    2
    months
    5
    days
    11
    hours

    Our favorite collection of

    Famous Authors

    »

    Quiz

    Are you a literary expert?

    »
    Who wrote "The Scarlet Letter"?
    A Nathaniel Hawthorne
    B Louisa May Alcott
    C Herman Melville
    D Emily Dickinson