Noli Me Tángere Page #11
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Datapuwa't ayon sa anyô n~g canyang pananalita'y sa canya rin nauucol ang upuang iyón, cahi't na sa mundo. Ang teniente, dahil yatà n~g siya'y howag magpacagambalà, ó n~g huwag siyang umupô sa guitnâ n~g dalawáng fraile, sa maiclíng pananalita'y sinabing áyaw siyang umupô roon. Alín man sa tatlóng iyo'y hindî nacaalaala sa may bahay. Nakita ni Ibarrang nanonood n~g boong galác at nacan~gitî sa m~ga pagpapalaman~gang iyón sa upuan ang may bahay. --¡Bakit pô, Don Santiago! ¿hindi pô bâ cayó makikisalo sa amin?--ani Ibarra. N~guni't sa lahat n~g m~ga upuan ay may m~ga tao na. Hindî cumacain si Lúculo[91] sa bahay ni Lúculo. --¡Tumahimic pô cayó! howag cayóng tumindîg!--ani Capitang Tiago, casabay n~g pagdidíin sa balicat ni Ibarra. Cayâ pa namán gumágawâ ang pagdiriwáng na ito'y sa pagpapasalamat sa mahál na Vírgen sa inyóng pagdatíng. Nagpagawâ acó n~g "tinola" dahil sa inyó't marahil malaon n~g hindî ninyó nátiticiman. Dinalá sa mesa ang isáng umáasong malaking "fuente"[92]. Pagcatapos maibulóng n~g dominico ang "Benedícte"[93] na halos walâ sino mang natutong sumagot, nagpasimulâ n~g pamamahagui n~g laman n~g fuenteng iyon. N~guni't ayawan cung sa isáng pagcalibáng ó iba cayáng bagay, tumamà cay párì Dámaso ang isáng pinggang sa guitnâ n~g maraming úpo at sabáw ay lumálan~goy ang isáng hubád na líig at isáng matigás na pacpác n~g inahíng manóc, samantalang cumacain ang ibá n~g m~ga hità at dibdíb, lalong lalò na si Ibarra, na nagcapalad mapatamà sa canyá ang m~ga atáy, balonbalonan at ibá, pang masasaráp na lamáng loob n~g inahíng manóc. Nakita n~g franciscano ang lahát n~g itó, dinurog ang m~ga úpo, humigop n~g cauntíng sabáw, pinatunóg ang cuchara sa paglalagáy at bigláng itinulac ang pingga't inilayô sa canyáng harapán. Nalílibang namáng totoo ang dominico sa pakikipagsalitàan sa binatang mapulá ang buhóc. --¿Gaano pong panahóng nápaalis cayó sa lupaíng ito?--ang tanóng ni Laruja cay Ibarra. --Pitóng taón halos. --!Aba! ¿cung gayó'y marahil, nalimutan na ninyó ang lupaíng ito? --Baligtád pô; bagá man ang kinaguisnan cong lupa'y tila mandin linilimot na acó, siyá'y laguì cong inaalaala. --¿Anó po ang íbig ninyóng sabihin?--ang tanóng n~g mapuláng buhóc. --Ibig cong sabíhing may isang taón na n~gayóng hindî aco tumátangap n~g ano mang balità tungcol sa bayang itó, hanggang sa ang nacacatulad co'y ang isang dî tagaritong hindî man lamang nalalaman cung cailan at cung paano ang pagcamatay n~g canyang ama. --¡Ah!--ang biglang sinabi, n~g teniente. --At ¿saan naroon pô cayo at hindî cayo tumelegrama?--ang tanong ni Doña Victorina.--Tumelegrama cami sa "Peñinsula"[94] n~g cami'y pacasal. --Guinoong babae; nitong huling dalawang tao'y doroon aco sa dacong ibabâ n~g Europa, sa Alemania at sacâ sa Colonia rusa. Minagaling n~g Doctor De Espadaña, na hanggá n~gayo'y hindî nan~gan~gahás magsalitâ, ang magsabi n~g cauntî: --Na ... na ... nakilala co sa España ang isang polacong tagá, Va ... Varsovia, na ang pan~gala'y Stadtnitzki, cung hindî masamâ ang aking pagcatandâ; ¿hindî pô bâ ninyó siya nakikita?--ang tanong na totoong kimî at halos namumula sa cahihiyan. --Marahil pô--ang matamís na sagót ni Ibarra--n~guni't sa sandalîng itó'y hindî ko naaalaala siyá. --¡Aba, hindî siyá maaring ma ... mapagcamal-an sa iba!--ang idinugtóng n~g Doctor na lumacás ang loob.--Mapulá ang canyáng buhóc at totoong masamáng man~gastílà. --Mabubuting m~ga pagcacakilalanan; n~guni't doo'y sa casaliwàang palad ay hindî aco nagsasalitâ n~g isa man lamang wicang castílà, liban na lamang sa ilang m~ga consulado. --At ¿paano ang inyóng guinágawang pamumuhay?--ang tanong ni Doña Victorinang nagtátaca. --Guinagamit co pô ang wícà n~g lupaíng aking pinaglálacbayán, guinoong babae. --¿Marunong po bâ naman cayo n~g inglés?--ang tanong n~g dominicong natira sa Hongkong at totoong marunong n~g "Pidggin-English"[95], iyang halo-halong masamáng pananalitâ n~g wicà ni Shakespeare[96] n~g anác n~g Imperio Celeste[97]. --Natira acóng isang taón sa Inglaterra, sa casamahán n~g m~ga táong inglés lamang ang sinásalitâ. --At ¿alín ang lupaíng lalong naibigan pô ninyó sa Europa?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc. --Pagcatapos n~g España, na siyang pan~galawá cong Báyan, alín man sa m~ga lupaín n~g may calayâang Europa. --At cayó pong totoong maraming nalacbáy ... sabihin ninyó, ¿anó pô bâ ang lalong mahalagáng bagay na inyong nakita?--ang tanóng ni Laruja. Wari'y nag-isíp-ísíp si Ibarra. --Mahalagáng bagay, ¿sa anóng cauculán? --Sa halimbawà ... tungcól sa pamumuhay n~g m~ga báyan ... sa búhay n~g pakikipanayám, ang lácad n~g pamamahalà n~g báyan, ang úcol sa religión, ang sa calahatán, ang catás, ang cabooan.... Malaong nagdidilidili si Ibarra. --Ang catotohanan, bágay na ipangguilalás sa m~ga báyang iyan, cung ibubucod ang sariling pagmamalakí n~g bawa't isá sa canyáng nación.... Bago co paroonan ang isáng lupain, pinagsisicapan cong matalós ang canyáng historia, ang canyáng Exodo[98] cung mangyayaring masabi co itó, at pagcatapos ang nasusunduan co'y ang dapat mangyari: nakikita cong ang iguiniguinhawa ó ipinaghihirap n~g isáng baya'y nagmúmulâ sa canyáng m~ga calayâan ó m~ga cadilimán n~g isip, at yamang gayó'y nanggagaling sa m~ga pagpapacahirap n~g m~ga namamayan sa icágagalíng n~g calahatán, ó ang sa canilang m~ga magugulang na pagca walang ibáng iniibig at pinagsusumakitan cung dî ang sariling caguinhawahan. --At ¿walâ ca na bagáng nakita cung dî iyán lámang?--ang itinanóng na nagtátawa n~g palibác n~g franciscano, na mulâ n~g pasimulàan ang paghapon ay hindî nagsásalita n~g anó man, marahil sa pagcá't siya'y nalilibang sa pagcain; hindî carapatdapat na iwaldás mo ang iyong cayamanan upang walâ cang maalaman cung dî ang bábahagyang bagay na iyán! ¡Sino mang musmós sa escuelaha'y nalalaman iyán! Nápatin~gín na lamang sa canyá si Ibarra't hindî maalaman cung anô ang sasabihin; ang m~ga iba'y nan~gagtitin~ginan sa pagkatacá at nan~gan~ganib na magcaroon n~g caguluhan.--Nagtátapos na ang paghapon, ang "cagalan~gán pô ninyo'y busóg na"--ang isásagot sana n~g binatà; n~guni't nagpiguil at ang sinabi na lamang ay ang sumúsunod: --M~ga guinoo; huwág cayóng magtátaca n~g pagsasalitang casambaháy sa akin n~g aming dating cura; ganyán ang pagpapalagáy niyá sa akin n~g acó'y musmós pa, sa pagcá't sa canyá'y para ring hindî nagdaraan ang m~ga taón; datapowa't kinikilala cong utang na loob, sa pagcá't nagpapaalaala sa aking lubós niyóng m~ga áraw na madalás pumaparoon sa aming báhay ang "canyáng cagalan~gán", at canyáng pinaúunlacan ang pakikisalo sa pagcain sa mesa n~g aking amá. Sinulyáp n~g dominico ang franciscano na nan~gan~gatal. Nagpatuloy n~g pananalitâ si Ibarra at nagtindíg: --Itulot ninyó sa aking acó'y umalís na, sa pagcá't palibhasa'y bago acóng datíng at dahil sa búcas din ay aco'y áalis, marami pang totoong gágawín acóng m~ga bágay-bágay. Natapos na ang pinacamahalagá n~g paghapon, cauntî lamang cung aco'y uminóm n~g alac at bahagyâ na tumítikim acó n~g m~ga licor. ¡M~ga guinoo, mátungcol nawâ ang lahát sa España at Filipinas!
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 23 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In