Noli Me Tángere Page #12
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
At ininóm ang isáng copitang alac na hanggáng sa sandalíng iyó'y hindî sinásalang. Tinularan siyá n~g Teniente, n~guni't hindî nagsasabi n~g anó man. --¡Howág pô cayóng umalís!--ang ibinulóng sa canyá, ni Capitang Tiago.--Dárating na si María Clara: sinundô siyá ni Isabel. Paririto ang sa báyang bágong cura, na santong tunay. --¡Paririto acó búcas bago acó umalís. N~gayo'y may gágawin acóng mahalagáng pagdalaw. At yumao. Samantala'y nagluluwal n~g samâ n~g loob ang franciscano. --¿Nakita na ninyó?--ang sinasabi niyá sa binatang mapulá ang buhóc na ipinagcucucumpas ang cuchillo n~g himagas. ¡Iyá'y sa pagmamataas! ¡Hindî nilá maipagpaumanhíng silá'y mapagwicaan n~g cura! ¡Ang acalà nilá'y m~ga taong may cahulugán na! ¡Iyán ang masamáng nacucuha n~g pagpapadalá sa Europa n~g m~ga bátà! Dapat ipagbawal iyán n~g gobierno. --At ¿ang teniente?--ani Doña Victorinang nakikicampí sa franciscano--¡sa boong gabíng ito'y hindî inalís ang pagcucunót n~g pag-itan n~g canyáng m~ga kilay; magalíng at tayo'y iniwan! ¡Matandâ na'y teniente pa hanggá n~gayón! Hindî malimutan n~g guinoong babae ang pagcacabangguít sa m~ga culót n~g canyáng buhóc at ang pagcacayapac sa "encañonado" n~g canyáng m~ga "enagua." N~g gabíng yaó'y casama n~g m~ga ibá't ibáng bagay na isinusulat n~g binatang mapulá ang buhóc sa canyáng librong "Estudios Coloniales," ang sumúsunod: "Cung anó't macahihilahil sa casayahan n~g isáng piguíng ang isáng liig at isáng pacpác sa pinggán n~g tinola." At casama n~g m~ga iba't ibáng paunáwà ang m~ga ganitó:--"Ang taong lalong waláng cabuluhán sa Filipinas sa isáng hapunan ó casayahan ay ang nagpapahapon ó nagpapafiesta: macapagpapasimulâ sa pagpapalayas sa may bahay at mananatili ang lahát sa boong capanatagán."--"Sa m~ga calagayan n~gayón n~g m~ga bagay bagay, halos ay isáng cagalin~gang sa canilá'y gágawin ang huwág paalisín sa caniláng lupaín ang m~ga filipino, at huwág man lamang turúan siláng bumasa".... TALABABA: [86] Wicang haluang castilà't tagalog, na cung tawagui'y "wicang tinulá". Nagpapatumpictumpic bago'y ibig,--May m~ga filipinong hindî nan~gingiming magsalitang sila'y hindî nacacawatas n~g wicang tagalog, na hindî silá marunong n~g wicang tagalog; datapawa't hindî rin naman marunong magsalitâ n~g tunay na wicang castilà; waláng nalalaman cung dî ang wicang tindá: ¡cahabaghabag na m~ga tao! [87] Ang pagtuturò n~g isáng carunun~gan; sa halimbawà: si Fulano'y nagtuturò n~g catedra n~g "Derecho" na gaya rin cung sabihing si Fulano'y nagtuturò n~g dunong n~g "Derecho." [88] Magbigay ang sandata sa haráp n~g carunun~gang; sa macatuwid baga'y dapat gumalang ang m~ga militar sa m~ga táong pantás. [89] Magbigáy ang sandata sa harap n~g m~ga fraile; dapat gumalang ang m~ga militar sa m~ga fraile. [90] Wicang castilà ang sabing "mundo" at maraming cahulugán: ang cabooan n~g lahat n~g m~ga kinapal.--Ang lupà.--Ang cabooan n~g lahát n~g tao.--Baúl na malakí.--Tungcol sa pamumuhay. Isá sa m~ga caaway n~g caluluwa. Dito'y ang cahulugan ay isáng tan~ging bahágui n~g sangcataohan, sa macatuwid baga'y ang m~ga tao sa piguíng na iyón.--P.H.P. [91] Si Lucio Licino Lúcalo, cónsul romano, na bantog dahil sa totoong magalíng na pagcain sa canyang mesa. [92] Ang cahulugán dito'y isang malaking tasang malucóng na pinaglálagyan n~g pagcain--Cahulugan din n~g wicang "fuente"; Bucál n~g tubig na nanggagaling sa lúpà.--Isáng "aparato" upang doo'y lumabas ang tubig na nanggagaling sa m~ga "tubo" at n~g magamit sa bahay, sa daan ó sa halamanan.--Mulâ n~g isang bagay.--Ang sugat na talagang guinágawâ sa brazo, sa bintî at iba pa.--Kinacailan~gang sa pagsasalitâ n~g "fuente" ay magpalabas n~g han~gin sa bibig, sa pagca't cung hindi ay masasabing "puente" na ang cahuluga'y tuláy. Ito'y isá sa m~ga cadahilanan cayâ ayaw acóng makisunod sa bagong palacad na isulat n~g P cahi't ang pinanggalin~ga'y F, gaya sa halimbáwà n~g Filipinas, Fernando, Faustino na may m~ga sumusulat n~gayon n~g Pilipnas, Pernando, Paustino. Gayon ma'y iguinagalang co at hindi co pinipintasan ang sa ibang caisipan at palacad na sinusunod.--Upang maipan~gusap ang "efe" ay idinadaiti ang labi sa m~ga n~giping itaas sacâ magpalabás n~g han~gin sa pagsasalitâ n~g letra.--P.H.P. [93] Pinupuri cata. Pasimulâ n~g isáng dasál sa Dios na wicang latíng sinasabi n~g m~ga pári at iba pang católico bago cumain. [94] Tinatawag n~g m~ga castilang "Península" ang España.--"Peñinsula" ang sabi ni Doña Victorina, sa pagca't siya'y isá riyan si m~ga babaeng tagálog na nagcacasticastilaan ay bago'y hindî man lamang marunong man~gusap n~g wicang castilà. Ang tunay na cahulugan n~g Península ay ang lupang halos naliliguid n~g tubig magcabicabilà.--P.H.P. [95] Tulad sa tinatawag nating wicang "castilàng tinda." Halohalong salitang inglés, insic, portugués at malayo; gaya namán n~g nangyayari na rito sa Filipinas tungcol sa pananalitâ n~g inglés na halohalò n~g inglés, castila't tagalog.--P.H.P. [96] Guillermo Shakespeare, dakilang poetang inglés at isa sa m~ga pan~gulong dramático sa sangcataohan. Ipinan~ganac sa Strafford n~g 1564 at namatay n~g 1616. Ang m~ga pan~gulong sinulat niya'y ang "Macbet," "Romeo at Julieta", "Hamlet," "Otelo," "Ang Mercader sa Venecia," "Ang panaguinip n~g isáng gabíng tag-araw" at iba pa.--P.H.P. [97] Ang caharian n~g China. [98] Pan~galawáng libro n~g Pentatesco ni Moisés.--Ang paglalacbay sa ibang lupain n~g m~ga túbò sa isáng nación ó báyan, na siyáng cahulugán dito. =IV.= =HEREJE AT FILIBUSTERO= Nag-aalinlan~gan si Ibarra. Ang han~gin sa gabí, na sa m~ga buwáng iyó'y caraniwang may calamigán na sa Maynilà, ang siyáng tila mandín pumawì sa canyáng noo n~g manipís na úlap na doo'y nagpadilím: nagpugay at humin~gá. Nagdaraan ang m~ga cocheng tila m~ga kidlá't, m~ga calesang páupahang ang lacad ay naghíhin~galô, m~ga naglálacad na tagá ibá't ibáng nación. Tagláy iyáng paglacad na hindî nan~gagcacawan~gis ang hacbáng, na siyáng nagpapakilala sa natitilihan ó sa waláng mágawà, tinun~go n~g binatà ang dacong plaza n~g Binundóc, na nagpapalin~gap-lin~gap sa magcabicabilà na wari'y ibig niyáng cumilala n~g anó man. Yao'y ang m~ga dating daan at m~ga dating báhay na may m~ga pintáng putî at azul at m~ga pader na pinintahán n~g putî ó cung dilî caya'y m~ga anyóng ibig tularan ang batóng "granito" ay masamâ ang pagcacáhuwad; nananatili sa campanario n~g simbahan ang canyáng relós na may carátulang cupás na; iyón ding m~ga tindahan n~g insíc na iyóng may marurumíng tabing na násasampay sa m~ga varillang bacal, na pinagbalibalicucô niyá isáng gabí ang isá sa m~ga varillang iyón, sa pakikitulad niyá sa masasama ang pagcaturong m~ga bátà sa Maynilà: sino ma'y waláng nagtowíd niyón. --¡Marahan ang lacad!--ang ibinulóng, at nagtulóy siyá sa daang Sacristía. Ang m~ga nagbíbili n~g sorbete ay nananatili sa pagsigáw n~g: ¡Sorbeteee! m~ga huepe rin ang siyáng pang-ilaw n~g m~ga dating nan~gagtítindang insíc at n~g m~ga babaeng nagbíbili n~g m~ga cacanin at m~ga bun~gang cahoy.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 24 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In