Noli Me Tángere Page #13
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
--¡Cahan~gahan~gà!--ang sinabi niyá--¡itó rin ang insíc na may pitóng taón na, at ang matandáng babae'y ... siyá rin! Masasabing nanaguinip acó n~g gabíng itó sa pitóng taóng pagca pa sa Europa!.. at ¡Santo Dios! nananatili rin ang masamang pagcálagay n~g bató, na gaya rin n~g aking iwan! At naroroon pa n~ga't nacahiwalay ang bató sa "acera" n~g linílicuan n~g daang San Jacinto at daang Sacristía. Samantalang pinanonood niyá ang catacatacáng pananatiling itó n~g m~ga báhay at ibá pa sa báyan n~g waláng capanatilihán, marahang dumapò sa canyáng balicat ang isáng camáy; tumungháy siyá'y canyáng nakita ang matandáng Teniente na minámasdang siyáng halos nacan~gitî: hindî na tagláy n~g militar yaóng mabalasic niyáng pagmumukhâ, at walâ na sa canyá yaóng m~ga kilay na totoong canyáng ikinatatan~gì sa ibá. --¡Bagongtao, magpacain~gat cayó! ¡Mag-aral pô cayó sa inyóng amá--ang sinabi niyá. --Ipatawad pô ninyó; n~guni't sa acalà co'y inyóng pinacamahál ang aking amá; ¿maaarì pô bang sabihin ninyó sa akin cung ano ang canyáng kináhinatnan?--ang tanóng ni Ibarra na siyá'y minámasdan. --¿Bakit? ¿hindî pô bâ ninyó nalalaman?--ang tanóng n~g militar. --Itinanóng co cay Capitáng Tiago ay sumagót sa aking hindî niyá sasabihin cung dî búcas na. ¿Nalalaman po bâ ninyó, sacalì? --¡Mangyari bagá, na gaya rin namán n~g lahát! ¡Namatáy sa bilangguan! Umudlót n~g isáng hacbáng ang binatà at tinitigan ang Teniente. --¿Sa bilangguan? ¿sinong namatáy sa bilangguan?--ang itinatanóng. --¡Abá, ang inyó pong amá, na nábibilanggô!--ang sagót n~g militar na may cauntíng pangguiguilalás. --Ang aking amá ... sa bilangguan ... ¿napipiít sa bilangguan? ¿Anó pô ang wicà ninyó? ¿Nakilala pô bâ ninyó ang aking amá? ¿Cayó pô ba'y ...? ang itinanóng n~g binatà at hinawacan sa brazo ang militar. --Sa acalà co'y hindî acó námamalî; si Don Rafael Ibarra. --¡Siyá n~ga, Don Rafael Ibarra!--ang marahang ùlit n~g binatà. --¡Ang boong ísip co'y inyó pong nalalaman na!--ang ibinulóng n~g militar, na puspós n~g habág ang anyô n~g pagsasalitâ, sa canyáng pagcahiwatig sa nangyayari sa cálolowa ni Ibarra; ang acalà co'y inyóng ...; n~guni't tapan~gan ninyó ang inyóng loob! ¡dito'y hindî mangyayaring magtamóng capurihán cung hindî nabibilanggô! --¡Dapat cong acaláing hindî pô cayó nagbíbirô sa akin--ang mulîng sinabi ni Ibarra n~g macaraan ang iláng sandalíng hindî siyá umíimic! ¿Masasabi pô bâ ninyó sa akin cung bakit siyá'y nasasabilangguan? Nag-anyóng nag-iisip-isip ang militar. --Ang aking ipinagtátacang totoo'y cung bakit hindî ipinagbigay alam sa inyó ang nangyayari sa inyóng familia. [Larawan:--¡Binatà, mag-ín~gat pô cayó! ¡Mag-aral cayó sa inyóng amá!--anáng teniente sa canyá.--Imp. de M. Fernández Paz, 447, Sta Cruz.] --Sinasabi sa akin sa canyáng hulíng sulat, na may isáng taón na n~gayón, na huwág daw acóng maliligalig cung dî niya acó sinusulatan, sa pagcá't marahil ay totoong marami siyang pinakikialamán; ipinagtatagubilin sa aking magpatuloy acó n~g pag-aaral ... at ¡benebendicìonan acó! --Cung gayó'y guinawâ niyá ang sulat na iyán sa inyó, bago mamatay; hindî malalao't mag-íisang taón n~g siyá'y aming inilibíng sa inyóng bayan. --¿Anóng dadahilana't nábibilanggô ang aking amá? --Sa cadahilanang totoong nacapagbíbigay puri. N~guni't sumama pô cayó sa aki't acó'y paroroon sa cuartel; sasabihin có han~ggáng tayo'y lumalacad. Cumapit pô cayó sa aking brazo. Hindî nan~gag-imican sa loob n~g sandalî; may anyóng nagdidilidili ang matandâ at wari'y hiníhin~gi sa canyáng "perilla,"[99] na hinihimashimas, na magpaalaala sa canyá. --Cawan~gis n~g lubós pô ninyóng pagcatalastás--ang ipinasimulâ n~g pagsasalitâ--ang amá pô ninyó'y siyáng pan~gulo n~g yaman sa boong lalawigan, at bagá man iniibig siyá't iguinagalang n~g marami, ang m~ga ibá'y pinagtatamnan namán siyá n~g masamáng loob, ó kinaíinguitán. Sa casaliwàang palad, camíng m~ga castilang naparito sa Filipinas ay hindî namin inuugalì ang marapat naming ugalíin: sinasabi co itó, dahil sa isá sa inyóng m~ga nunong lalaki at gayón din sa caaway n~g inyóng amá. Ang waláng licát na paghahalihalilí, ang capan~gitan n~g asal n~g m~ga matataas na púnò, ang m~ga pagtatangkilic sa di marapat, ang camurahan at ang caiclîan n~g paglalacbay-bayan, ang siyáng may sála n~g lahát; pumaparito ang lalong masasamâ sa Península, at cung may isáng mabaít na máparito, hindî nalalao't pagdaca'y pinasásamâ n~g m~ga tagarito rin. At inyóng talastasíng maraming totoong caaway ang inyóng amá sa m~ga cura at sa m~ga castílà. Dito'y sandalíng humintô siyá. --N~g macaraan ang iláng buwán, búhat n~g cayó po'y umalís, nagpasimulâ na ang samàan n~g loob nilá ni párì Dámaso, na dî co masabi ang tunay na cadahilanan. Biníbigyang casalanan siyá ni párì Dámasong hindî raw siyá nagcucumpisal: n~g una'y dating hindî siyá nan~gun~gumpisal, gayón ma'y magcaìbigan siláng matalic, na marahil natatandaan pa pô ninyó. Bucód sa rito'y totoong dalisay ang capurihán ni Don Rafael, at higuít ang canyáng pagcabanál sa maraming nan~gagcucumpisal at nan~gagpapacumpisal: may tinútunton siyá sa canyáng sariling isáng cahigpithigpitang pagsunód sa atas n~g magandáng asal, at madalás sabihin sa akin, pagca násasalitâ niyá ang m~ga sámàang itó n~g loob: "Guinoong Guevara, ¿sinasampalatayanan po bâ ninyóng pinatatawad n~g Dios ang isáng mabigát na casalanan, ang isáng cusang pagpatáy sa cápuwâ táo, sa halimbáwà, pagcâ, nasabi na sa isáng sacerdote; na táo rin namáng may catungculang maglihim n~g sa canyá'y sinasaysay, at matacot másanag sa infierno, na siyáng tinatawag na pagsisising "atricion"? ¿Bucod sa duwag ay waláng hiyáng pumapanatag? Ibá ang aking sapantahà tungcól sa Dios--ang sinasabi niyá--sa ganáng akin ay hindî nasasawatâ ang isáng casam-an n~g casam-an din, at hindî ipinatatawad sa pamamag-itan n~g m~ga waláng cabuluháng pag-iyác at n~g m~ga paglilimós sa Iglesia." At inilálagáy niyá sa akin ang ganitóng halimbáwà:--"Cung aking pinatáy ang isáng amá n~g familia, cung dahil sa catampalasanan co'y nabao't nálugamì sa capighatìan ang isáng babae, at ang m~ga masasayáng musmós ay naguíng m~ga dukháng ulila, ¿mababayaran co cayâ ang waláng hanggang Catowiran, cung aco'y cusang pabitay, ipagcatiwalà co ang líhim sa isáng mag-iin~gat na howag máhayag, maglimós sa m~ga cura na siyáng hindî tunay na nan~gagcacailan~gan, bumilí n~g "bula de composición," ó tuman~gistan~gis sa gabí at araw? ¿At ang bao at ang m~ga ulila? Sinasabi sa akin n~g aking "conciencia"[100] na sa loob n~g cáya'y dapat acóng humalili sa táong aking pinatáy, ihandóg co ang aking boong lacás at hanggáng aco'y nabubuhay, sa icágagalíng n~g familiang itóng acó ang may gawâ n~g pagcapahamac, at gayón man, ¿sino ang macapagbibigay n~g capalít n~g pagsintá n~g amá?"--Ganyán ang pan~gan~gatuwiran n~g inyó pong amá, at ang anó mang guinagawa'y isinasangayong láguì sa mahigpit na palatuntunang itó n~g wagás na caasalán, at masasabing cailán ma'y hindî nagbigáy pighatî canino man; baligtád, pinagsisicapan niyáng pawîin, sa pamamag-itan n~g magagandáng gawâ, ang m~ga tan~ging casawìan sa catuwirang, ayon sa canyá'y guinawâ raw n~g canyáng m~ga nunò. Datapuwa't ipanumbalic natin sa canyáng samaan n~g loob sa cura, ang m~ga pagcacaalit na ito'y lumúlubhà; binábangguit siyá ni párì Dámaso buhat sa púlpito, at cung dî tinutucoy siyá n~g boong liwanag ay isáng himalâ, sa pagca't sa caugalian n~g paring iyá'y mahihintay ang lahát. Nakikinikinita co nang masamâ ang cahahangganan n~g bagay na itó.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 24 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In