Noli Me Tángere Page #14
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Muling humìntóng sandali ang matandáng Teniente. --Naglílibot n~g panahón iyón ang isáng naguíng sundalo sa artillería, na pinaalís sa hucbó dahil sa malabis na cagaspan~gán n~g canyáng ásal at dahil sa camangman~gang labis. Sa pagca't kinacailan~gan niyáng mabuhay, at hindi pahintulot sa canyá ang magtrabajo n~g mabigát na macasisirà n~g aming capurihan[101], nagtamó siyá, hindî co alám cung sino ang sa canyá'y nagbigáy, n~g catungculang pagca maninin~gil n~g buwís n~g m~ga carruaje, calesa at ibá pang sasacyán. Hindî tumanggáp ang abâ n~g anó mang túrò, at pagdaca'y napagkilala n~g m~ga "indio" ang bagay na itó: sa ganang canilá'y totoong cahimahimalâ, na ang isang castilà'y hindî marunong bumasa't sumulat. Pinaglilibacan ang culang palad, na pinagbabayaran n~g cahihiyan ang násisin~gil na buwís, at nalalaman niyáng siyá ang hantun~gan n~g libác, at ang bagay na itó'y lalong nacáraragdag n~g dating masamâ at magaspáng niyang caugalîan. Sadyang ibinibigay sa canyá ang m~ga sulat n~g patumbalíc; nagpapaconwarî siya namáng canyang binabasa, at bago siyá pumifirma cung sáan nakikita niyang waláng sulat, na ang parang kinahig n~g manóc na canyáng m~ga letra'y siyáng larawang tunay n~g canyáng cataohan; linálan~gap niyá ang masasacláp na cairin~gang iyón, n~guni't nacacasin~gil siyá, at sa ganitóng calagayan n~g canyang loob ay hindi siyá gumagalang canino man, at sa inyóng ama'y nakipagsagutan n~g lubhang mabibigat na m~ga salitâ. Nangyari isáng araw, na samantalang pinagpipihitpihit niyá ang isáng papel na ibinigáy sa canyá sa isáng tindahan, at ibig niyáng málagay sa tuwíd, nagpasimuláng kinawayán ang canyáng m~ga casamahan n~g isáng batang nanasoc sa escuela, magtawá at itúro siya n~g dalirì. Naririn~gig n~g táong iyón ang m~ga tawanan, at nakikita niyáng nagsásaya ang libác sa m~ga dî makikibuing mukhâ n~g nan~garoroon; naubos ang canyang pagtitiis, bigláng pumihit at pinasimulâang hinagad ang m~ga batang nan~gagtacbuhan, at sumísigaw n~g "ba", "be", "bi", "bo", "bu." Pinagdimlán n~g galit, at sa pagca't hindî siya mang-abot, sa canilá'y inihalibas ang canyáng bastón, tinamaan ang isá sa úlo at nábulagtâ; n~g magcagayo'y hinandulong ang nasusubasob at pinagtatadyacán, at alín man sa nan~gagsisipanood na nanglilibac ay hindî nagcaroon n~g tapang na mamag-itan. Sa casamaang palad ay nagdaraan doon ang inyóng amá. Napoot sa nangyari, tinacbó ang maninin~gil na castilà, hinawacan siyá sa brazo at pinagwicaan siyá n~g mabibigát. Ang castilàng marahil ang tin~gín sa lahát ay mapulá na, ibinuhat ang camáy, n~guni't hindî siyá binigyang panahón n~g inyong amá, at tagláy iyáng lacás na nagcácanulô n~g pagca siyá'y apó n~g m~ga vascongado ... anáng ibá'y sinuntóc daw, anáng ibá namá'y nagcasiyá, na lamang sa pagtutulac sa canyá; datapowa't ang nangyari'y ang tao'y umúgà, napalayô n~g iláng hacbáng at natumbáng tumamà, ang úlo sa bató. Matiwasay na ibinan~gon ni Don Rafael ang batang may sugat at canyáng dinalá sa tribunal[102]. Sumuca n~g dugô ang naguing artillerong iyón at hindî na natauhan, at namatáy pagcaraan n~g iláng minuto. Nangyari ang caugalìan, nakialám ang justicia, piniit ang inyóng amá, at n~g magcagayo'y nan~gagsilitáw ang m~ga lihim na caaway. Umulán ang m~ga paratang, isinumbóng na siyá'y filibustero at hereje: ang maguing "hereje" ay isáng casawîang palad sa lahát n~g lugar, lalong lalo na n~g panahóng iyóng ang "alcalde"[103] sa lalawiga'y isáng taong nagpaparan~galang siyá'y mapamintacasi, na casama ang canyáng m~ga alílang nagdárasal n~g rosario sa simbahan n~g malacás na pananalitâ, marahil n~g marinig n~g lahat at n~g makipagdasal sa canya; datapuwa't ang maguíng filibustero ay lalong masamâ cay sa maguíng "hereje," at masamâ pang lalò cay sa pumatáy n~g tatlóng máninin~gil n~g buwís na marunong bumasa, sumulat at marunong magtan~gîtangì. Pinabayàan siyá n~g lahát, sinamsám ang canyáng m~ga papel at ang canyáng m~ga libro. Isinumbóng na siyá'y tumátanggap n~g "El Correo de Ultramar" at n~g m~ga periódicong gáling sa Madrid; isinumbóng siya, dahil sa pagpapadalá sa inyó sa Suiza alemana; dahil sa siyá'y násamsaman n~g m~ga sulat at n~g larawan n~g isáng paring binitay, at ibá pang hindî co maalaman. Kinucunan n~g maisumbóng ang lahát n~g bágay, sampô n~g paggamit n~g bárong tagalog, gayóng siyá'y nagmulâ sa dugóng castilà[104]. Cung naguing ibá sana ang inyóng amá, marahil pagdaca'y nacawalâ, sa pagcá't may isáng málicong nagsaysáy, na ang ikinamatáy n~g culang palad na maninin~gil ay mulâ sa isáng "congestión"[105]; n~guni't ang canyáng cayamanan, ang canyáng pananalig sa catuwiran at ang canyáng galit sa lahát n~g hindî naaayon sa cautusán ó sa catuwiran ang sa canyáng nan~gagpahamac. Acó man, sacali't malakí ang aking casuclamán sa pagluhog sa paggawâ n~g magalíng nino man, humaráp acó sa Capitán General, sa hinalinhan n~g ating Capitán General n~gayón; ipinaliwanag co sa canyáng hindî mangyayaring maguíng "filibustero" ang tumatangkilik sa lahát n~g castilang dukhâ ó naglalacbay rito, na pinatutuloy sa canyáng bahay at pinacacain at ang sa canyáng m~ga ugát ay tumátacbo pa ang mapagcandiling dugóng castílà; ¡nawaláng cabuluháng isagót co ang aking úlo, at ang manumpâ acó sa aking carukhâan at sa aking capuriháng militar, at walâ acó n~g nasunduan cung dî magpakita sa akin n~g masamáng pagtanggáp, pagpakitâan acó n~g lalong masamâ sa aking pagpapaalam at ang pamagatán acó n~g "chiîlado"[106]! Humintô ang matandâ n~g pananalità upang magpahin~gá, at n~g canyáng mahiwatigan ang hindî pag-imíc n~g canyáng casama, na pinakikinggan siyá'y hindî siyá tinítinguan, ay nagpatuloy: --Nakialam acó sa usapín sa cahin~gian n~g inyóng amá. Dumulóg acó sa bantóg na abogadong filipino, ang binatang si A--; n~guni't tumangguí sa pagsasanggalang.--"Sa akin ay matatalo"--ang wicà sa akin.--Panggagalin~gan ang pagsasanggaláng co n~g isáng bagong sumbong na laban sa canyá at marahil ay laban sa akin. Pumaroon pô cayó cay guinoong M--, na masilacbóng manalumpátì, taga España at lubháng kinaaalang-alan~ganan. Gayón n~ga ang aking guinawâ, at ang balitang abogado ang nan~gasiwa sa "causa" na ipinagsanggalang n~g boong catalinuhan at caningnin~gán. Datapwa't marami ang m~ga caaway, at ang ilá'y m~ga líhim at hindî napagkikilala. Saganà ang m~ga sacsíng sabuát, at ang caniláng m~ga paratang, na sa ibang lugar ay mawawal-ang cabuluhán sa isáng salitang palibác ó patuyâ n~g nagsásanggalang, dito'y tumitibay at tumítigas. Cung nasusunduan n~g abogadong mawaláng cabuluhán ang caniláng m~ga bintáng, sa pagpapakilala n~g pagcacalabán-lában n~g canicanilang saysáy at n~g m~ga saysáy niláng sarili, pagdaca'y lumálabas ang m~ga ibáng sumbóng. Isinusumbóng niláng nan~gamcám siyá n~g maraming lúpà, hinin~gán siyáng magbayad n~g m~ga casiráan at m~ga caluguiháng nangyari; sinabi niláng siya'y nakikipagcaibigan sa m~ga tulisán, upang pagpitaganan nilá ang kanyáng m~ga pananím at ang canyáng m~ga hayop. Sa cawacasa'y nagulóng totoo ang usapíng iyón, na anó pa't n~g maguíng isáng taòn na'y waláng nagcacawatasáng sino man. Napilitang iwan n~g "alcade"[107] ang canyáng catungculan, hinalinhán siyá n~g ibang, ayon sa balita'y, masintahin sa catuwiran, n~guni't sa casaliwâang palad, ito'y iláng buwán lamang nanatili roon, at ang napahalili sa canyá'y napacalabis naman ang pagca maibiguín sa mabuting cabayo.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 25 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In