Noli Me Tángere Page #15
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Ang m~ga pagtitiis n~g hirap, ang m~ga samâ n~g loob, ang m~ga pagdarálitâ sa bilangguan, ó ang canyáng pagpipighatî n~g canyáng mapanood ang gayóng caraming gumaganti n~g catampalasanan sa guinawâ niyá sa caniláng m~ga cagalin~gan, ang siyáng sumirà sa catibayan n~g canyáng catawang bacal, at dinapúan siyá, niyáng sakít na ang libin~gan lamang ang nacagagamot. At n~g matatapos na ang lahát, n~g malapit n~g tamuhín niyá, ang cahatuláng siyá'y waláng casalanan, at hindî catotohanang siyá'y caaway n~g Bayang España, at di siyá, ang may sala n~g pagcamatáy n~g máninin~gil, namatáy sa bilanggúang walâ sino man sa canyáng tabí. Dumatíng acó upang mapanood ang pagcalagót n~g canyáng hinin~gá. Tumiguil n~g pananalitâ ang matandâ; hindi nagsalitâ si Ibarra n~g anó man. Samantala'y dumatíng silá sa pintúan n~g cuartel. Humintô ang militar, iniabót sa canyá ang camáy at nagsabi: --Binatà, ipagtanóng ninyó cay Capitang Tiago ang m~ga paliwanag. N~gayó'y ¡magandáng gabí pô! Kinacailan~gan cong tingnán cung may nangyayaring anó man. Waláng imìc na hinigpît na mairog ni Ibarra ang payat na camáy n~g Teniente, at hindî cumikibo'y sinundán n~g canyáng m~ga matá itó, hanggáng sa dî na mátanaw. Marahang bumalíc at nacakita siyá n~g isáng nagdaraang carruaje; kinawayán niya ang cochero: --¡Sa Fonda ni Lala!--ang sinabing bahagyâ na mawatasan. --Marahil nanggaling itó sa calabozo--ang inisip n~g cochero sa canyáng sarili, sacá hinaplit n~g látigo ang canyáng m~ga cabayo. TALABABA: [99] Ang balbás na sumisibol sa babà, na pinapag aanyong pera--Ang pera ay ang caraniwang tawaguing "peras." "Pera" pagcâ íisa; "peras" pagcâ dalawá ó marami, ito'y cung sa wícang castilàs sa pagcá't sa wícà natin ay hindî nagbabago ang tawag cung íisa ó marami man. Ipinaliliwanag co itó sa pagca't marami sa m~ga tagalog na sa dî caalaman ay tinatawag na "pera" ó "pira" ang isáng céntimo, sa pagtulad sa m~ga castilàng tinatawag na "perra chica" ang caniláng cuartang ang halaga'y isáng céntimo natin ó "perra grande" pagcâ halagang dalawang céntimo. Asong babae ang cahulugan n~g sabing "perra," at ganito ang itinawag n~g castilà sa canilang cuarta, dahil doo'y may napapanood na isáng leóng ang camukha'y aso.--P.H.P. [100] Catutubong hiyas n~g espíritu n~g tao na siyang tagaacay sa paggawâ niyá n~g anó man. Pagcakilalang tunay n~g casamaang dapat nating pan~gilagan at n~g cagalin~gang dapat nating gawín--P.H.P. [101] Nang panahóng nacapangyayari ang Gobierno n~g España sa Filipinas, hindî ipinahihintulot na ang m~ga castilang lalaki't babae'y gumawâ n~g anó mang may cabígatán, gaya bagá n~g mag-araro, mag-asaról, mag-pahila n~g carretón, magpas-an, ang lalaki, at ang babae namá'y hindi namimilí n~g pagcain sa m~ga pamilihan, hindi naglulutò, hindi naglalácad n~g maláyò; inaacala n~g m~ga castilang isáng casiraan n~g caniláng puri cung mapanood n~g m~ga filipinong sila'y gumagawa n~g mabigat, at nakikigaya namán sa canilá ang m~ga lahing castilà. Naguíng casabihán tulóy sa catagalugan, dahil sa bagay na itó ang "para ca namáng castila", "para ca namáng señora," sa m~ga lalaki't babaeng tagalog na aayaw magtrabajo n~g mabigát.--P.H.P. [102] N~g panahóng sinasabi ni "Rizal" na nangyari ang sinasaysay sa librong itó, ang tawag sa bahay-bayan (Casa municipal) ay tribunal at ang tawag sa Presidente Municipal ay Gobernadorcillo (maliit na Gobernador) panglibác na pan~galan. Ang Gobernadorcillo'y tagapamahalà n~g bayan, hucóm sa m~ga mumuntíng bagay na usapín, tagausig sa masasamáng tao, taga panin~gíl as m~ga cabeza de barangay, nacaaalam n~g correo at ibá pa.--P.H.P. [103] Waláng anó mang calabisán. Lubhà n~gang catotohanan ang sinasabing itó ni Rizal na sucat na ang alalahanín cung bakit hinatulang mapresidio ang iláng maririlag na guinoong filipino, n~g 1872 dahil sa sinapantahang sila'y m~ga cainalám sa m~ga nangyari sa arsenal n~g Tan~guay n~g taóng iyón. Ang isá sa lalong m~ga calaguímlaguím na sumbóng na guinawâ laban cay Don Antonio Maria Regidor ay ang pagcacuha sa isáng "aparador" n~g canyáng bahay, na "punong-punô n~g alaboc," n~g dalawampong "ejamplar" n~g librong La Cuestión Colonial na sinulat ni Labra. Basahin ang folletong "Carain~gang ipinadalá sa mahál na Hari ni Don Antonio María Regidor, na sinulat ni Don Manuel Silvela: Madrid 1872. Pinagdusahan sa Marianas ni Don Antonio María Regidor ang gayong cakilakilabot na "casalanan." Ang isá pang nagdusa sa presidio dahil sa m~ga gayón ding casalanan ay si Don Máximo Paterno, na ipinagsanggalang n~g hindî malilimot na si Don Germán Gamazo sa ganitóng pananalitâ: "Gayon ma'y hindî piniit ó pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal si Don Máximo Paterno, sa m~ga sandaling malapit na una ó hulí sa panghihimagsíc (sa Tan~guay). Panatag at umaasa sa canyáng sariling pagcawalang malay-sala, nan~gasiwang hayág, sa canyáng m~ga hanap buhay, mulâ n~g ica 21 n~g Enero, nangyari ang panghihimagsic, hangang sa ica 20 n~g Febrero na siya'y dinakíp sa canyáng bahay at inihatid sa cutà n~g Santiago. Pinag-usig siyá sa harap n~g m~ga Tribunal na hindî nacapágligtas sa canyá ang canyáng ganitóng pag-asa at capayapaan n~g loob, na nagpapakilalang maliwanag na hindi siyá sinasalaguimsiman n~g cahi't muntíng panimdín, palibhasa'y talastás, niyang siyá'y walang sala; at ang lalong cahapishapis ay siya'y hinatulang magdusa. Ang siyá'y nasamsamán n~g isáng bilang n~g "El Eco Filipino" (pamahayagang nagsásanggaláng sa Madrid n~g m~ga catuwiran n~g m~ga páring clérigo); ang siya'y umambág n~g caunting salapî sa pagtatatag n~g (pamahayagang) "El Correo de Ultramar" ... ang siyáng m~ga tan~ging cadahilanan mandin n~g hatol na siyá'y magdusa." (Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Consejo Supremo de la Guerra ni Don Máximo Paterno na sinulat ni Don Germán Gamazo:" Madrid, 1873.) Sa "El Correo de Ultramar" ay nan~gagsisulat ang m~ga pantás at macabayang castilang sina D. Ramón Mesonero Romanos, D. Mariano Urrabieta, D. Juan Miguel de Arrambide, D. José González de Tejada, Pedro Antonio de Alarcón, D. José Selgas, Baldomero Mendez, D. V. Guimera, D. José Ferrer de Coute, D. J. M. Bello, D. Luis Mariano de Larra at iba. ¿Naglalathalà bagá, ang "El Correo de Ultramar" n~g ano mang laban sa m~ga castilà? Ito'y catulad cung tanun~gíng: ¿sumulat baga si Rizal, si Marcelo Hilario del Pilar, si Mabínì, si López Jaena n~g ano mang laban sa catagalugan? Gayón ma'y pinag-uusig n~g m~ga fraile bawa't bumabasa n~g "El Correo Ultramar" dahil sa ang pamahayagang iyo'y hindi catoto n~g cadilimán n~g isip na dito'y pinipilit laganap n~g m~ga "cahalili n~g Dios."
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 25 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In