Noli Me Tángere Page #16
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Ang isá pang napapresidio ay ang sacerdoteng si Don Agustín Mendoza, na naramay rin sa nangyari sa Tan~guay. ¿M~ga cadahilanan? Dingguín ninyó ang canyáng abogadong si Don Rafael Maria de Labra: "ang lahat n~g m~ga sumbong n~g Fiscal laban sa nagsasaysay n~gayón ay maioowi sa dalawá lamang: ang una'y ang paglalaganap n~g isáng lihim na pamahayagang ang pamagát ay "El Globo," na sino may waláng nacapagharáp n~g cahi't isá man lamang na "ejemplar," at ang icalawa'y ang pagpapanucálà n~g m~ga lihim na pagpupulong, bagay na waláng nagbabalitâng policía ó sino mang táo n~g cahi't bahagya man lamang. Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Poder Ejecutivo ni D. Agustin Mendoza", na sinulat ni Don Rafael María de Labra: Madrid, 1878. Sa isáng salita: "antiespañol" (laban sa castilà) "filibustero" at iba pa ang lahát n~g filipinong sa canyáng lupain ay may tagláy n~g m~ga caisipang nauucol sa m~ga calayaan; n~guni't lalonglalò na cung ang m~ga caisipáng iya'y sumasacanyáng bahay sa pamamag-itan n~g m~ga libro ó n~g m~ga pahayagan, cailan ma't dumating ang isang capanahunan, dapat samantalahín ang capanahunang itó upang mapapresidio ang gayóng filipino. Ang ibáng nan~gatitic sa itaas ay sinipi co sa "Vida y Escritosa n~g Dr. Rizal," sinulat ni G. Wenceslao E. Retana. Salamat sa casipagan at catalinuhan n~g guinoong itó'y maraming catotohanang hindî kilala ang n~gayo'y lumilitaw at numiningning.--P.H.P. [104] Ang pagtiguil ó pagcapásalà n~g anomang bagay na m~ga "humor" sa alin mang bahagui n~g catawan. [105] Sirâ ang isip. [106] N~g panahóng iyo'y naititipon sa alcalde ang m~ga catungculang pagca hucóm, gobernador civil administrador n~g Hacienda, Subdelegado n~g Fondos Locales, administrador n~g Correos at iba pa.--P.H.P. [107] Ang dalawang salamíng na sa m~ga tila bumbóng na tansô ó bacal, na cung doon sumílip ang sinó man ay nacacakita n~g m~ga na sa malayò.--P.H.P. =V.= =ISANG BITUIN SA GABING MADILIM= Nanhíc si Ibarra sa canyáng cuarto, na nasadacong ilog, nagpatihulóg sa isáng sillón, at canyáng pinagmasdán ang boong abót n~g tin~gin, na malakí ang natatanaw, salamat sa nacabucás na bintanà. Totoong maliwanag, sa caramihan n~g ilaw, ang catapát na báhay sa cabiláng ibayo, at dumárating hanggáng sa canyáng "cuarto" ang m~ga masasayáng tínig n~g m~ga instrumentong may cuerdas ang caramihan.--Cung hindî totoong guló ang canyáng isip, at cung siyá sana'y maibiguíng macaalam n~g m~ga guinágawâ n~g capowâ táo'y marahil ninais niyáng mapanood, sa pamamag-itan n~g isáng gemelos[108], ang nangyayari sa kinalalagyán n~g gayóng caliwanagan; marahil canyáng hinan~gâan ang isá, riyán sa m~ga cahimáhimaláng napapanood, isá riyán sa m~ga talinghagang napakikita, na maminsanminsang nátitingnan sa m~ga malalakíng teatro sa Europa, na sa marahan at caayaayang tínig n~g orquesta ay nakikitang sumisilang sa guitnâ n~g isáng ulán n~g iláw, n~g isáng bumúbugsong agos n~g m~ga diamante at guintô, sa isáng cárikitdìkitang m~ga pamuti, nababalot n~g lubháng manipís at nan~gan~ganinag na gasa ang isáng diosa, ang isáng "silfide"[109] na lumalacad na halos hindî sumasayad ang paa sa tinatapacan, naliliguid at inagaapayanan n~g maningning na sinag: sa canyáng pagdatíng ay cusang sumisilang ang m~ga bulaclác, nagbíbigay galác, ang m~ga sayáw, nan~gapupucaw ang matimyás na tugtugan, at ang m~ga pulutóng n~g m~ga díablo, m~ga ninfa[110], m~ga sátiro[111], m~ga génio[112], m~ga zagala[113], m~ga ángel m~ga pastor ay sumásayaw, guinagalaw ang m~ga pandereta, nan~gagpapaliguidliguid at inihahandog n~g bawa't isá sa paanan n~g diosa ang canícaniláng alay. Napanood sana ni Ibarra ang cagandagandahang dalagang timbáng at matowíd ang pan~gan~gatawán, tagláy ang mainam na pananamít n~g m~ga anác na babae n~g Filipinas, na nangguíguitnâ sa nacaliliguid na sarisaring táo na masasayáng cumikilos at nan~gagcucumpasan. Diyá'y may m~ga insíc, m~ga castilà, m~ga filipino m~ga militar, m~ga cura, m~ga matatandáng babae, m~ga dalaga, m~ga bagongtao, at ibá pa. Na sa tabí n~g diosang iyón si párì Dámaso, at si párì Dámaso'y n~gumín~giting catulad n~g isáng nasacaluwalhatîan; si Fr. Sibyla ay nakikipagsalitaan sa canyá, at iniaayos ni Doña Victorina sa canyáng pagcagandagandang buhóc ang isáng tuhog na m~ga perla at m~ga brillante, na cumíkislap n~g sarisaring kináng n~g culay n~g bahaghárì. Siyá'y maputî, nápacaputî marahil, ang m~ga matáng halos laguing sa ibabâ ang tin~gín ay pawang nan~gagpapakilala n~g isáng cálolowang cálinislinisan, at pagcâ siyá'y n~gumín~gitî at nátatanyag ang canyáng mapuputî at malilìt na m~ga n~gípin, masasabing ang isáng rosa'y bulaclác lamang n~g cahoy, at ang garing ay pan~gil n~g gadya[114] lamang. Sa pag-itan n~g nan~gan~ganinag na damít na piña at sa paliguid n~g canyáng maputî at linalic na líig ay "nan~gagkikisapan," gaya n~g sabi n~g m~ga tagalog, ang masasayáng m~ga matá, n~g isáng collar na m~ga brillante. Isáng lalaki lamang ang tila mandin hindî dumaramdam n~g canyáng maningníng na akit: itó'y isáng batà pang franciscano, payát, nanínilaw, putlâin, na tinátanaw na dî cumikilos ang dalaga, buhat sa maláyò, cawán~gis n~g isáng estátua[115], na halos hindî humíhin~gá. Datapuwa't hindî nakikita ni Ibarra ang lahát n~gitó: napapagmasdan n~g canyáng m~ga matá ang ibáng bagay. Nacúculong ang isáng munting luang n~g apat na hubád at maruruming pader; sa isá sa m~ga pader, sa dácong itáas ay may isáng "reja"; sa ibabaw n~g maramí at casuclamsuclam na yapacán ay may isáng baníg, at sa ibabaw n~g baníg ay isáng matandáng lalaking naghíhin~galô; ang matandáng lalaking nahihirapan n~g paghin~gá ay inililin~gap sa magcabicabilà ang m~ga mata at umiiyac na ipinan~gun~gusap ang isáng pan~galan; nag-íisa ang matandáng lalaki; manacanacang náririn~gig ang calansíng n~g isáng tanicalâ ó isáng buntóng-hinin~gáng naglalampasan sa m~ga pader ... at pagcatapos, doon sa maláyò'y may isáng masayáng piguíng, hálos ay isáng mahalay na pagcacatowâ; isáng binata'y nagtátawa, ibinubuhos ang álac sa m~ga bulaclác, sa guitnâ n~g m~ga pagpupuri at sa m~ga tan~ging tawanan n~g m~ga ibá. At ¡ang matandáng lalaki'y catulad n~g pagmumukhà n~ga canyáng amá! ¡ang binata'y camukhâ niyá at canyáng pan~galan ang pan~galang ipinan~gun~gusap na casabáy ang tan~gis! Itó ang nakikita n~g culang palad sa canyáng harapán. Nan~gamatáy ang m~ga ílaw n~g catapát na báhay, humintô ang músìca at ang cain~gayan, n~guni't náririnig pa ni Ibarra ang cahapishapis na sigáw n~g canyáng amá, na hinahanap ang canyáng anác sa canyáng catapusáng horas.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 26 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In