Noli Me Tángere Page #17
Noli Me Tángere, Latin for "Touch me not", is an 1887 novel by José Rizal, one of the national heroes of the Philippines during the colonization of the country by Spain, to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.
Inihihip n~g catahimicán ang canyáng hungcag na hinin~ga sa Maynilà, at warì mandi'y natutulog ang lahát sa m~ga bísig n~g walâ; náririn~gig na nakikipaghalínhinan ang talaoc n~g manóc sa m~ga relój n~g m~ga campanario at sa mapangláw na sigáw na "alerta" n~g nayáyamot na sundalong bantáy; nagpapasimulâ n~g pagsun~gaw ang capirasong bowán; wari n~ga'y nan~gagpapahin~galáy na ang lahát; si Ibarra man ay natutulog na ri't marahil ay napagál sa canyáng malulungcot na m~ga caisipán ó sa paglalacbáy. N~guni't hindî tumutulog, nagpúpuyat, ang batang franciscanong hindî pa nalalaong nakita nating hindî cumikilos at hindî umíimic. Napapatong ang síco sa palababahan n~g durun~gawan n~g canyáng "celda" at saló n~g pálad n~g camáy ang putlai't payát na mukhâ, canyáng pinanonood sa maláyò ang isáng bituing numíningning sa madilím na lan~git. Namutlâ at nawalâ ang bituwin, nawalâ rin ang m~ga bahagyáng sínag nang nagpápatay na bowán; n~guni't hindî cumilos ang fraile sa canyáng kinálalagyan: niyao'y minamásdan niyá, ang malayong abót n~g tin~ging napapawî sa ulap n~g umaga sa dacong Bagumbayan, sa dacong dagat na nágugulaylay pa. TALABABA: [108] Espiritung nananahan sa alang alang. [109] Alín man sa m~ga diosang nananahán sa tubig, sa m~ga gubat at sa iba pa. [110] Isáng semidios ó pan~galawang dios na ang calahati'y tao't calahati'y cambíng. [111] Dios na lumilikha n~g lahát n~g bagay, anáng m~ga gentil. [112] Ang dalagang bukid. [113] Elefante. Hindî malayong n~g caunaunaha'y nagcaroon n~g elefante dito sa Filipinas, caya sa wicà natin ay may sadyáng tawag, gadya; samantalang napagkikilalang dito'y talagáng dating waláng cabayo, cayâ sa wicà natin ay waláng sariling pan~galan ang hayop na itó na di gaya n~g áso, baboy, manóc at iba pa. [114] Isáng larawang cahoy, bató, tansô ó kacal. [115] Guintô pa panahóng iyón ang salapi sa Filipinas. =VI.= =CAPITANG TIAGO= Sundin namán ang loob mo dito sa lupa! Samantalang natutulog ó nag-aagahan ang ating m~ga guinoo'y si Capitang Tiago ang ating pag-usapan. Cailán ma'y hindî tayo naguíng panauhín niyá, walâ n~ga tayong catuwiran ó catungculang siyá'y pawaláng halagá at huwág siyáng pansinín, cahi't sa mahalagáng capanahunan. Palibhasa'y pandác, maliwanag ang culay, bilóg ang catawán, at ang mukhâ, salamat sa saganang tabâ, na alinsunod sa m~ga nalúlugod sa canyá'y galing daw sa lan~git, at anáng m~ga caaway niyá'y galing daw sa m~ga dukhâ, siyá'y mukháng bátà cay sa tunay niyáng gulang: sino ma'y maniniwalang tatatlompo't limang taón lamang siyá. Táong banál ang laguing anyô n~g canyáng pagmumukhâ n~g panahóng nangyayari ang sinasaysay namin. Ang báo n~g canyáng úlong bilóg, maliit at nalalaganapan n~g buhóc na casing itím n~g luyong, mahabà sa dacong harapán at totoong maiclî sa licuran; hindî nagbabago cailán man n~g anyô ang canyáng m~ga matang malilíit man ay dî singkít na gaya n~g sa insíc, mahayap na hindî sapát ang canyáng ilóng, at cung hindî sana puman~git ang canyáng bibíg, dahil sa napacalabís na pagmamascada niyá at pagn~gàn~gà, na sinisimpan ang sapá sa isáng pisn~gí, na siyáng nacasisirà n~g pagcacatimbang n~g tabas n~g mukhâ, masasabi naming totoong magalíng ang canyáng paniniwalà at pagpapasampalatayáng siyá'y magandáng lalaki. Gayón mang napapacalabis ang canyáng pananabaco't pagn~gàn~gà ay nananatiling mapuputî ang canyáng m~ga sariling n~gipin, at ang dalawang ipinahirám sa canyá n~g dentista, sa halagáng tiglalabing dalawang piso ang bawa't isá. Ipinalalagay na siyá'y isá sa m~ga lalong m~ga mayayamang "propietario"[116] sa Binundóc, at isá sa lalong m~ga pan~gulong "hacendero"[117], dahil sa canyáng m~ga lúpà sa Capampan~gan at sa Laguna n~g Bay, lalonglalò na sa bayan n~g San Diego, na doo'y itinataas taón taón ang buwis n~g lúpà. Ang San Diego ang lalong naiibigan niyáng báyan, dahil sa caligaligayang m~ga páliguan doon, sa balitang sabun~gán, ó sa m~ga hindî niyá nalilimot na canyáng naaalaala: doo'y nátitira siyá n~g dalawáng buwán sa bawa't isáng taón, ang cadalian. Maraming m~ga báhay si Capitang Tiago sa Santo Cristo, sa daang Anloague at sa Rosario. Siyá't isáng insíc ang may hawác n~g "contrata" n~g opio at hindî n~ga cailan~gang sabíhing silá'y nan~gagtutubò n~g lubháng malakí. Siyá ang nagpapacain sa m~ga bilanggô sa Bilibid at nagpapádala n~g damó sa maraming m~ga pan~gulong báhay sa Maynilà; dapat unawâing sa pamamag-itan n~g "contrata." Casundô niyá ang lahát n~g m~ga pinunò, matalinò, magalíng makibagay at may pagcapan~gahás, pagcâ nauucol sa pagsasamantalá n~g m~ga pagcâ iláng n~g ibá; siyá ang tan~ging pinan~gan~ganibang capan~gagáw n~g isáng nagn~gan~galang Perez, tungcól sa m~ga "arriendo" at m~ga "subasta" n~g m~ga sagutin ó pan~gan~gatungculang sa towi na'y ipinagcacatiwálâ n~g Gobierno n~g Filipinas sa m~ga camáy n~g m~ga "particular"[118]. Cayâ n~ga't n~g panahóng nangyayari ang m~ga bagay na itó, si Capitang Tiago'y isáng taong sumasaligaya; ang ligaya bagáng macacamtan sa m~ga lupaíng iyón n~g isáng táong maliit ang báo n~g úlo: siyá'y mayaman, casundô n~g Dios, n~g Gobierno at n~g m~ga táo. Na siyá'y casundô n~g Dios, itó'y isáng bagay na hindî mapag-aalinlan~ganan: halos masasabing marapat sampalatayanan: waláng cadahilanan upang mácagalit n~g mabaít na Dios, pagcâ magalíng ang calagayan sa lúpà, pagcâ sa Dios ay hindî nakikipag-abot-usap cailán man, at cailán ma'y hindî nagpapautang sa Dios n~g salapî. Cailán ma'y hindî nakipag-usap sa Dios, sa pamamag-itan n~g m~ga pananalan~gin, cahi't siyá'y na sa lalong malalakíng m~ga pagcaguipít; siyá'y mayaman at ang canyáng salapî ang sa canyá'y humahalili sa pananalan~gin. Sa m~ga misa at sa m~ga "rogativa'y" lumaláng ang Dios n~g m~ga macapangyarihan at m~ga palalong m~ga sacerdote. Lumaláng ang Dios, sa canyáng waláng hanggáng cabaitan, n~g m~ga dukhâ, sa iguiguinhawa n~g m~ga mayayaman, m~ga dukháng sa halagáng piso'y macapagdarasal n~g cahi't labing anim na m~ga misterio at macababasa n~g lahát n~g m~ga santong libro, hanggáng sa "Biblia hebráica" cung daragdagan ang bayad. Cung dahil sa isáng malakíng caguipita'y manacánacáng kinacailan~gan ang m~ga saclolo n~g calan~gitan at waláng makita agád cahi't isáng candilang pulá n~g insíc, cung magcagayo'y nakikiusap na siyá sa m~ga santo at sa m~ga santang canyáng pintacasi, at ipinan~gan~gacò sa canilá ang maraming bagay upang silá'y mapilitan at lubós mapapaniwalaang tunay na magalíng ang canyáng m~ga han~gád. Datapuwa't ang totoong lálò niyáng pinan~gan~gacuan at guináganapan n~g m~ga pan~gacò ay ang Virgen sa Antipolong Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje; sapagcá't sa iláng may caliliitang m~ga santo'y hindî n~ga lubháng gumáganap at hindî rin totoong nag-uugaling mahál ang táong iyón; ang cadalasa'y pagcâ kinamtán na niyá ang pinipita'y hindî na muling nágugunítà ang m~ga santong iyón; tunay n~ga't hindî na namán silá mulíng liniligalig niyá, at cung sacali't napapanaho'y talastás ni Capitáng Tiagong sa calendario'y maraming m~ga santong waláng guinágawâ sa lan~git marahil. Bucód sa roo'y sinasapantáhà niyáng malakí ang capangyariha't lacás n~g Virgen de Antipolo cay sa m~ga ibáng Virgeng may dalá mang bastóng pilac, ó m~ga Niño Jesús na hubó't hubád ó may pananamít, ó m~ga escapulario, m~ga cuintás ó pamigkís na cuero ("correa"): marahil ang pinagmumulaàn nitó'y ang pagcâ hindi mápalabirô ang Guinoong Babaeng iyón, mápagmahal sa canyáng pan~galan, caaway n~g "fotografía"[119], ayon sa sacristán mayor sa Antipolo, at sacâ, pagca siya'y nagagalit daw ay nan~gín~gitim na cawan~gis n~g luyong, at nanggagaling namán sa ang ibáng m~ga Virgen ay may calambután ang púsò at mapagpaumanhin: talastás n~g may m~ga táong iniibig pa ang isáng haring "absoluto"[120] cay sa isáng haring "constitucional"[121], cung hindî náriyan si Luis Catorce[122] at si Luis Diez y Seis[123], si Felipe Segundo[124] at si Amadeo Primero[125]. Sa cadahilanan ding itó marahil cayâ may nakikitang m~ga insíc na di binyagan at sampóng m~ga castilang lumalacad n~g paluhód sa balitang sambahan; at ang hindî lamang napag-uusísà pa'y ang cung bakit nan~gagtatanan ang m~ga curang dalá ang salapî n~g casindácsindác na Larawan, napasa sa América at pagdatíng doo'y napacácasal.
Translation
Translate and read this book in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this book to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Noli Me Tángere Books." Literature.com. STANDS4 LLC, 2024. Web. 26 Dec. 2024. <https://www.literature.com/book/noli_me_t%C3%A1ngere_288>.
Discuss this Noli Me Tángere book with the community:
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In